My Closet Queen (Chapter 16)

12.4K 191 1
                                    

Chapter16





<> Jessica <>





Naglinis na kami ng mga kalat at pinag gamitan.




Pagkatapos ng game kanina hindi ulit ako pinapansin ni Sam galit pa din kaya sya.





Natapos na kami maglinis at nagkanya kanya na kami akyat sa mga kwarto namin dahil antok na antok kami at may mga tama na.




Si Sam asan na kaya yun hindi naglinis kasi sya na yung nagluto kanina.




Pag akyat ko sa kwarto andun si Sam sa terrace at nag yoyosi nanaman sya.




Pinuntahan ko sya at kinuha ko yung yosi nya at nilagay sa ashtray



" can you please stop smoking " irita kong sabi




" bakit hindi mo sabihin sa josh mo yan, nag yoyosi din yun, sya pakielaman mo " sabi nya




at nag sindi ulit ng yosi. Pero kinuha ko at tinapon pati yung lighter





" subukan mong magyosi pa, gagawin ko talaga yang sinasuggest mo! " pagbabanta ko sa kanya at alam nya ibig ko sabihin.





Pumunta na sya ng banyo at ako pinulot ko na yung yosi at lighter tinapon ko lahat sa basurahan.



Bumukas na yung pinto at nagpunas na sya ng buhok nya, kaya pumasok na din ako para makapag shower.



Dahil grabe yung init na nararamdaman ko ngayon




Nakaupo ako sa side ng table at pinapatuyo ko din yung buhok ko yung isa ayun may katxt ganitong oras ng gabi.





Baka yung boyfriend nya.



" Can we talk? " tanong ko sa kanya.





" no! inaantok na ako. " sabi nya sabay lapag ng cp nya sa table at humiga na sya





Nakakainis ayoko matulog ng ganito kami, na galit sya sakin




Yumakap ako sa kanya mula sa likod nya, humihikbi na ako hindi ko kasi mapigilan yung luha ko na wag tumulo.




Ayoko nagagalit sakin si Sam. Ayoko ng ganito kami.





Humarap sya sakin at halata sa mukha nyang nag aalala sya ng makita nyang umiiyak ako.





" Shhhh wag ka na umiyak baby. Why are you crying? " tanong nya habang pinupunasan yung luha na tumutulo sa pisnge ko




" ayoko kasi ng nagagalit ka sakin " sabi ko between my sob




" sino ba nagsabi sayo na galit ako " tanong nya




" bakit ka ganyan sakin dinedema mo ko, hindi mo ko pinapansin. Saka sabi ko mag usap tayo ayaw mo " naiiyak na ulit ako





" Shhhh I'm sorry Jess. I just.... " putol nya parang pinipigilan nyang sabihin pero nag buntong hininga lang sya




" nothing. Never mind matulog na tayo please! "






ayaw nya talaga sabihin yung tunay nyang nararamdaman.





Siguro dahil may boyfriend na sya kaya ganito ako lang talaga umaasa na maamin nya din sa sarili nya na gusto nya din ako, lalo ako naiiyak.




Kaya tumalikod nalang ako sa kanya




" Jess please. Maniwala ka lahat ng pinapakita ko sayo totoo lahat ng nararamdaman ko, pero hindi, basta hindi pa ngayon" sabi nya sabay halik sa ulo ko at tumalikod na sya sakin





Mas lalo tumulo yung mga luha sa mata ko at nakatulog nalang ako sa kakaiyak.






<> Sam <>





Ayoko pa aminin yung tunay ko nararamdaman kay Jess dahil natatakot ako sa sasabihin ng iba samin, napigil ko dati baka mapigilan ko din ngayon.




Nagkagusto na din ako dati sa babae at si Giezel yun dahil sobrang bait sakin ni Giezel at naging best friend kami pero ayoko magbago yung pagtingin sakin ni Giezel at baka husgahan kami ng mga taong hindi nakakaintindi samin.




Dahil sa mundo namin ang alam lang nila ay ang dapat lang na nagmamahalan ang babae at lalaki at wala ng iba.




Dahil isang private school ang paaralan namin.




Hanggat maari iiwasan ko na wag magselos kay Jess at Josh para lumayo na din ang loob sakin ni Jess babawasan ko na yung pakikisama ko sa kanya.




Inantay ko muna makatulog si Jess kunwari tulog na ako, pero dinig na dinig ko ang pag iyak ni Jess, parang dinudurog yung puso ko sa bawat hikbi nya sa pag iyak.




Ayaw ko nakikita syang nagkakaganyan pero mas pinapangunahan yung takot ko na kung ano iisipin ng ibang tao.




Gusto ko sabihin na mahal na mahal ko si jess para hindi na sya umiyak ng ganito pero hindi ko kaya.



Ng marinig ko na nakatulog na sya pinihit ko sya para makatulog sya sa tabi ko at iununan ko yung braso ko sa ulo nya.



" I LOVE YOU JESS but I can't get out to this closet, I really LoVE U since the day you came into my life. " sabay halik ko sa lips nya at natulog na din ako.



Naramdaman ko nalang na humigpit yung yakap nya sakin.



Sana hindi na kami umalis sa ganito.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon