Sam picture on the side :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter40
<> Jessica <>
Ang gaganda kanina ng mga pinasyalan namin talagang Its More Fun In The Philippines
Makikita mo yung kagandahan ng kasama ko este ng mga tourist spot dito at ang fresh air pa
Nakarami nga akong wish kanina kasi dalawang simbahan pinuntahan namin
at sa balon pa miraculous daw yun kaya nag wish din kami, sana talaga matupad yung wish ko
Maaga kami nagpahinga dahil magiging adventurous kami bukas dahil lahat ng activities
dito sa resort nila Chloe gagawin namin kagaya ng Snorkeling, Diving and Kayaking
Super excited ako dahil ganito mga gusto kong activities
" asus excited oh, hindi maalis yung excitement sa mukha nya " sabi ni Sam
Tinignan ko lang sya bakit ba
" naku uulan nyan bukas excited mo kasi, kaya hindi matutuloy " pang asar ulit ni Sam
" pag umulan talaga bukas humanda ka sakin, panira ka" sabi ko
" eh hindi mo na ako pinapansin tulala ka na dyan kanina pa simula nung sinabi kung ano gagawin bukas " tampo nyang sabi
" eiiiih baby naman eh excited lang ako namiss ko kasi yung ganun " sabi ko sa kanya
Naalala ko nanaman lagi kami nag di-Diving nila mommy at daddy
Sana andito si mommy ngayon para kasama ko sya sa activities namin bukas
o kaya si daddy. Kamusta na kaya sya? Hinahanap nya kaya ako
Nag aalala kaya sya sakin dahil wala ako sa bahay o hindi nya na ako talaga
pinapahalagahan. Kumain na kaya si daddy? Ayos pa ba yung health nya?
Bumuntong hininga nalang ako. Napatingin naman si Sam sakin
" bakit? Kanina lang excited yang itsura mo ngayon pangit mo na este naka sad face kana " sabi nya
" wala naman bigla ko lang namiss si mommy at daddy " sabi ko
Ginulo nya yung buhok ko sabay kurot sa cheek ko
" shhh wag ka na malungkot, sigurado naman ako lagi mong kasama si mommy este si mommy mo, lagi lang sya nasa tabi mo tignan mo katabi mo ngayon " sabi nya
Hinampas ko nga yung braso nya nananakot pa takot ako sa multo eh
" saka makakasama mo din ulit si daddy mo at babalik din kayo sa dati hindi lang ngayon baka mamaya " sabi nya sabay ngiti
Alam ko pinapagaan lang ni Sam yung pakiramdam ko kaya nya ginagawang biro
Swerte ko talaga dito sa girlfriend ko na to
" tulala ka nanaman, baka nakakalimutan mong may girlfriend kang katabi " sabi ni Sam
" wala break na kami " biro ko
" oh bakit naman " sabi nya parang hindi sineryoso yung sinabi ko
" sinabihan ba naman akong panget " sabi ko sabay irap ko sa kanya
" bad nun ah, hindi ka naman panget ganda mo nga eh " sabi nya sabay hawi ng buhok ko na naka harang sa mata ko
" buti ka pa, yung girlfriend ko hindi nakikita yun " sabi ko
Para lang kaming tanga dalawa dito habang nakaupo sa buhangin at nakaharap sa dagat
na kung makahampas ng alon daig pa 8waves
" ako nalang gawin mong girlfriend " sabi nya na pangitingiti
Natawa ako sa sinabi nya
" ayoko nga. " sabi ko
" bakit naman? Ako nga sinasabi ko maganda ka eh " sabi nya
" ayoko,kahit sinasabihan nya akong panget, sabi nya naman sakin mahal nya ako at mahal na mahal ko din yung girlfriend ko na yun " sabi ko sabay belat ko sa kanya
" ahhh swerte naman ng girlfriend mo, sabihin mo sa kanya wag ka na pakakawalan ah, ako kukuha sayo pag pinakawalan ka nya " sabi nya
" hindi ako pakakawalan nun kahit duwag yun " biro ko
pero wrong move ata ako dahil biglang lumungkot yung mukha ni Sam
Awwww lagot ako, nasobrahan ata yung sinabi ko
" I mean magiging weak sya pag nawala ako " pahabol ko
Pero hindi pa din ngumingiti si Sam
" Let's go gabi na kailangan pa natin gumising ng maaga " sabi ni Sam at tumayo na sya
Inalalayan nya naman ako tumayo tahimik lang kami naglalakad
Nasaktan ko yung feelings ni Sam na gu-guilty tuloy ako
" I'm sorry baby I didn't mean it " sabi ko
" Its ok, its not a big deal " tipid nyang sabi
Hala talaga hindi na sya ngumingiti
Hanggang sa makarating kami sa kwarto ganun pa din si Sam
" saan kayo galing? " tanong ni Chloe
" wala sa tabing dagat lang, nagpaantok " sabi ko
Pano si Sam hindi sumagot sa tanong ni Chloe
Hinayaan ko nalang sya muna saka hindi kami makakapag usap dahil dito sila Chloe
Humiga na kami pero hindi yumayakap si Sam sakin naka straight lang sya ng higa
Kasi naman eh hindi ko naman sinasadya na sabihin yun
Tulog na siguro to si Sam kaya yumakap nalang ako sa kanya
Ok lang sakin kahit makita nila Margarette
Ang sarap talagang unan ni Sam kaso galit yung unan ko ngayon sakin
<> Sam <>
Nagpapanggap lang akong tulog, dahil hindi ako makatulog
Tulog na si Jess ginawa nya na akong unan pero ok lang sakin yun
mas gusto ko yung para malapit sya sakin at nakayakap sya sakin
Kanina hindi ko talaga maiwasan hindi malungkot sa sinabi ni Jess alam ko totoo naman
yung sinabi ni Jess na duwag ako pero hirap kontrolin nalungkot talaga ako
Pero kinilig din ako kanina dahil sabi nya kahit daw sinabihan ko sya ng pangit hindi
nya ako pagpapalit at mahal na mahal nya ako.
Hindi na din kami nakapag usap dahil may mga kasama kami sa kwarto
saka hindi naman ako galit sa kanya sa sarili ko lang talaga dahil sa pagiging duwag ko talaga
Kniss ko nalang yung noo nya at inangat yung ulo nya at pinailalim ko yung kamay ko para
nakaakap na din ako sa kanya natulog na ako dahil maga pa bukas gigising at nakakapagod ngayong araw.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RastgeleSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...