My Closet Queen (Chapter 9)

13.3K 198 4
                                    


Chapter9

<> Sam <>

Nakita ko na bigla nalang lumungkot si jess, hindi ko alam kung bakit.

Ang sabi nya lang may naisip lang sya at ngayon nalang ulit sya nakapag simba, asan kaya yung mga magulang nya.


Bigla naman may tumakip ng mata ko pero kilala ko na kung sino ito, kilalang kilala ko ito alam ko na pati kamay nya at amoy nya

" alisin mo na nga yang kamay mo ang dumi dumi nilalagay mo pa sa mata ko " pagbibiro ko.

Hindi nya pa din tinatanggal alam ko nang iinis pa to kaya siniko ko sya para bitawan nya ko umurong naman sya at tinanggal nya na yung pagkaka takip sa mata ko.

" oh tara na magsisimula na yung misa at ng makakuha na tayo ng upuan " sabi ni mama kaya hiinila ko na si jess.

Nauuna si mama dahil sya naghahanap ng pwesto na mauupuan namin si papa at samuel ayun nag uusap sa likod namin may nakita sigurong chicks yung dalawa nag yun, kahit kailan talaga tong dalawa na to kahit sa simbahan.

Umupo na kami at ang pwesto namin si jess, ako, samuel, mama, at papa.

Ilang minuto pa bago magsimula yung mass kaya eto hinaharot ako ni samuel may binubulong sya sakin kaya tawa ako ng tawa saknya pinapalo ko pa sya sa balikat napaka sama kasi nilalait yung nsa harap namin.

Bigla naman ako napatingin kay jess nakatingin sya samin pero parang ang lungkot nya pa din.

Tumngin aKo sa mata nya na nagtatanong kung bakit na gets nya naman ito kaya umiling lang sya.

" inaantok ako anong oras na kasi ako nakatulog kagabi " sabi ni samuel sakin sabay lagay ng ulo nya sa balikat ko ganito si samuel sobrang sweet at malambing.

Kniss ko nalang yung ulo nya sabay sinabi ko kaya mamaya matulog ka wag ka na maglakwatsa



<> Jessica <>

Hindi na talaga ako mapakali dito sa kinauupuan ko, nagsisi na ata ako kung bakit sumama pa ko magsimba kila sam.

Sabi ni sam kasama nya lang yung family nya at kambal nya magsimba hindi ko akalain na kasama nya pala yung boyfriend nya at ang worst kanina pa sila lambingan ng lambingan buti hindi sila sinasaway ni tita siguro boto si tita dito sa lalaking to.

Saka parang ang tagal naman dumating ng kambal ni sam excited na ko makita kung ano itsura at kung kamukhang kamukha ba talaga sila.

Siguro nahihirapan makahanap ng pagpaparkingan.

Tulala nalang ako dito habang tong katabi ko nakikipag lampungan pa kainis sa loob pa talaga ng simbahan.

" bakit ang tahimik mo? " bulong ni sam.


Himala at kinausap nya na ako kala ko makikipag lampungan nalang sya ng buong oras eh, paglingon ko ayun kausap pala nung lalaki na yun si tita at nakikipag tawanan siguro nagpapalakas kay tita. Hmmmp.

" alangan mag ingay ako dito, simbahan to dba" pagtataray ko saknya


Ngumiti lang sya at ginulo nya lang ng bahagya yung buhok ko, epal neto ginulo pa yung buhok ko kala mo nakakatuwa sya.

Ewan ko ba bakit ako naiinis saknya.

" bakit ang sungit mo? " corcern nyang tanong

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon