Chapter 12
"I hate you, Addie! I hate you so much!"
Nakangusong dabog at reklamo sakin ni Draia. Ngumiwi ako habang tinitignan ang kaartehan niya.
She always rolled her eyes like it's her forte. Nang matapos siya ay dumapo ang tingin niya sakin. Inikutan niya ulit ako ng mata habang ang mga braso ay nasa dibdib.
I sighed. "We can still eat our lunch at mall you know..." inosente kong alo sa kanya.
Hinampas niya ang dalawang palad sa mga notebook niya na nakalatag sa mesa. Nandito kami ngayon sa oval, kung saan may mga kiosks at mesa para sa mga estudyante.
Umihip ang pang-umagang hangin kaya sinikop ko ang aking kulot na buhok. Kaharap ko si Draia. Her hair was in a bun kaya hindi masyadong sagabal sa maliit niyang mukha.
"Oo nga! But I told you to bring civilian! I don't wanna go to mall wearing this uniform!" she said frustratingly while referring to her uniform.
Ngumuso ako at tumingin sa malapad na green field sa kanan. Pwede ang mga nag vo-volleyball doon pero mas kadalasan ay ang mga nag so-soccer ang nag papractice sa parteng iyon ng university namin.
"Nakikinig ka ba, Addie? Ha?!" pinitik ako ni Draia sa noo.
"Ano ba!"
Mabilis ko siyang tinignan ng masama. She smirked at me.
"Ano bang problema sa uniform natin?"
"Well... bukod sa sabi ng mga highschool na cheap tignan, ayokong pumuntang mall na ganito! Nandoon ang crush kong si Brent kasama ang team niya sa basketball! Paano niya ako papansinin kung naka uniform ako?"
Mas lalo akong ngumiwi. Anong connect ng uniform namin sa crush niya?
"What about him and our uniform?" kuryuso kong isinatinig ang aking tanong.
Hinawi ni Draia ang buhok niyang mga nakatakas dahil sa maluwang na pagkapusod niya.
"Syempre he's a first year highschool already! Ang panget naman yata na magpapapansin ako sa kanya na nakasuot nitong uniform! Obviously, tutuksuhin lang ako, tayo na bata pa!" hindi niya makapaniwalang paliwanag.
Napanguso ako at napakamot sa ulo. "Eh bata pa naman talaga tayo, Draia. We're just only twelve..." paliwanag ko rin.
Ang alam ko, naglalaro lang ang mga nasa ganitong edad. Though I don't like playing games also since I have another hobbies that usually kills most of my time. Pero si Draia, naglalaro nga pero sa ibang bagay naman.
"Thirteen next year! Means, first year na tayo kaya ganoon na rin 'yon!" ayaw patalo niyang sagot.
She sipped on her milkshake after. Pinagmasdan ko ang may kulay na buhok ng kaibigan. It's been months since we get along. Simula noong araw na iyon, kami na lagi ang magkasama.
Draia dela Cuest is my totally opposite. She's brave, reckless and very out-going. Taliwas ako sa mga katangian ng kaibigan. Before I met her, my life was just nothing without reading books, baking cookies and cupcakes, watching tv series and anything that I could do without needing friends or anyone.
And if without my two cousins, Kane and Kit, my life would be probably too boring to live. Bukod sa dinadala lang ako nina Mommy at Daddy sa mga parties gaya ng mga social gatherings, ang dalawang pinsan ko talaga ang totoong naging dahilan kung bakit medyo may alam rin ako sa mga iba't-ibang klaseng katuwaan.
Nga lang, hindi nga ko nga talaga yata gusto ang mga ganoon. Or maybe I was just too young to appreciate freedom like that. Kaso si Kit nga na ka edad ko lang, halos hindi na umuwi dahil sa mga gano'n.
![](https://img.wattpad.com/cover/239413117-288-k515574.jpg)
BINABASA MO ANG
Little White of Secrets (Metro Series #2)
RomanceMetro Series 2 of 3. (Completed) Addie Lane Serraño is secretly inlove with her bestfriend's brother, Louis dela Cuest. With her all bravery and stubborness to pursue the man that she thinks she do love, what will be the things she'll realize on he...