Chapter 22
"Hi..." namutwaha sa labi ko habang tinitignan si Austin sa gitna ng court.
Kumaway ulit ako sa kanya kahit na sobra-sobra na ang kalabog ng aking puso. I know he knows what I just mouthed.
I saw Adre Deloviar throw a ball at him. Agaran niya iyong nasalo sa matigas na paraan before he took a three points shoot. Adre smirked at that. Tinapik siya ni Austin bago tuluyang naglakad papunta sa'kin.
Licking his lips, he languidly walked towards me. Bahagya pang lumalim ang tingin, sinundan ang suot ko mula ulo hanggang paa.
I'm wearing a simple black vintage loose shirt underneath my white maong short shorts. Pinaresan ko iyon ng limited edition kong white Air Nike. I also let my permed hair down, only this time, I let it with my confidence.
"I brought you water and this!" salubong ko sa kanya sabay pakita ng mga dala ko.
May kinuha siya sa likod ko, sa upuan at nagpunas ng pawis gamit ang puting tuwalya. I got a chance to smell his familiar scent. Muntik pa 'kong malugutan ng hininga dahil mistulan niya akong niyakap, kahit na alam ko naman na may inabot lang siya sa likuran ko.
He then put the white towel on his nape, ginamit ang dulo upang marahan na punasan ang noo niyang may kaunting pawis. I feel an urge to do it for him instead but I stopped myself.
Huwag pahalata na patay na patay ka dito, Addie!
"Hindi pa kayo nagsisimula?" tanong ko kahit na obvious naman.
He sighed and his familiar gaze pierced through mine. Nilibot ko ang tingin sa buong gym, hindi ko yata kakayanin ang ganyang titig niya.
Half of this gym are packed. Pakalat-kalat lang ang iba kaya hindi ganoong maraming tignan. Halos kalahati yata ng tao, puros lalaki lang na estudyante, 'yong mga may pusta dito at mga napadaan lang at napanuod.
Sa benches kung nasaan ako at sa bleachers sa ibabaw, walang tao. Mayroon sa dulo mga dalawa o tatlo lang na mga babae, hula ko pa ay teacher pa 'yong iba na may trabaho kahit week-end.
"We're gonna stretch first before the game," he sexily uttered with his firm yet soft lips.
I really can't help but to stare at that! My gosh, Addie!
Tumango ako nang maangat ang tingin galing sa labi niya. He saw it that made my face heated in embarrassment! Tumaas ang kilay niya pati ang sulok ng labi.
"M-manunuod ako!" nasabi ko na lang, pinapamulahan pa.
He couldn't hide his smirk. Binalik niya ulit ang tuwalya sa likod ko, making me startled again because of his move! Kalma lang kasi Addie Lane!
He tried to hide his smile with his serious expression. Nakapamewang niya akong dinungaw.
"Who's with you?"
Para akong aatakihin sa puso sa paraan ng pagtanong niya! Sobrang rahan na nakakapanibagong pakinggan!
Ngumuso ako. "Ako lang..."
"You didn't bring Draia?"
Umiling ako.
"You could invite her. Para may kasama ka dito."
I bit my lip and pouted more.
"Eh, baka magtanong siya sino pinapanuod ko dito?" sabi ko sabay tingkayad at tingin sa mga kasamahan niya na naghahanda rin sa gitna ng court.
Napakurap ako ng bahagya nang hinarangan niya ang paningin ko. He moved closer so I couldn't see the boys of his age on his back. Lumunok ako nang natantong sobrang lapit namin sa isa't-isa, siya nakadungaw sakin, ako hindi mapakali ang tingin.
BINABASA MO ANG
Little White of Secrets (Metro Series #2)
RomanceMetro Series 2 of 3. (Completed) Addie Lane Serraño is secretly inlove with her bestfriend's brother, Louis dela Cuest. With her all bravery and stubborness to pursue the man that she thinks she do love, what will be the things she'll realize on he...
