Chapter 19: Hopeless

215 7 4
                                        

Chapter 19

"I need you to leave, Addie." Ulit ni Austin sa mas malamig na tono.

Suminghot ako habang naka-yuko. Unti-unti akong tumango pagkatapos. Narinig ko naman 'yon. Hindi na kailangan ulit-ulitin pa.

"Pasensya na talaga-"

"Bumalik kana sa building niyo. Hindi ko kailangan ng kahit ano sa'yo kaya huwag ka nang pumunta ulit dito dala-dala ang mga..." walang ekspresyon siyang napasulyap sa mga hawak ko. "...walang kwentang bagay."

Kanina pa parang tinutusok ng kutsilyo ang aking puso sa kirot at sakit.

"I-i baked you c-cookies..." I uttered hopefully, baka sakaling magbago ang ihip ng hangin.

"I don't care."

Muli akong napasinghot. Nakayuko lang ako at patuloy na nanlalabo ang mga mata. Parang hindi rin ako makahinga sa bigat ng aking nararamdaman.

"A-akala ko lang kasi gusto mong gawan din kita n-nito..."

I saw his jaw clenched. He seemed pretty cold and annoyed while watching me sobbing infront of him. Parang naiirita na kaka-tingin sa'kin.

"And if I say so, gagawin mo talaga?" his lips rose but without humor. Imbes ay parang nang-iinsulto pa.

"Oo kasi nga sinabi mo..."

"What a pity innocent. Bata ka pa nga."

"Bibigyan lang naman kita n-nito. A-no naman ang kinalaman kung b-bata pa nga ako..." I found myself answered him.

Austin rolled his eyes lazily. Tila inip na inip. Walang ekspresyon niya akong pinagmamasdan bago dumapo ang tingin sa hawak kong paper bag. His brow shot up and looked at me with full of annoyance and disgust.

"And what about that thing? Ano? Ibibigay mo rin 'yan?"

I nodded slowly. Napalunok ako.

"Kanino?"

"S-sayo rin sana..." lumiit ang boses ko.

He then chuckled mockingly. Medyo kumunot na ang noo ko nang mag-angat ng tingin sa kanya. I bravely glanced at him with my fuzzy vision. What's wrong with him? Kanina ko pa gustong tanungin kaso masyado pang masakit ang mga salita niya.

I don't understand him.

"So you are clearly saying na pumunta ka talaga dito para lang ibigay sa'kin ang mga 'yan?"

Again, I nodded.

"Bakit?" he tilted his head, urging me to answer him honestly. Nakataas pa ang kilay na para bang wala na siyang oras hintayin pa ako.

Iyon na kasi ang hindi ko masagot-sagot. Pumunta ako dito na isang bagay lang ang nasa isipan. Totoong ibibigay ko lang sana ang mga ito kaya hindi ko inasahang maari akong tanungin kung bakit. Bakit nga ba, Addie Lane?

"Ah," tumango-tango siya at nilibot ang tingin sa kawalan. Tila may natanto. "Don't tell me..." he trailed off and stared at me after.

Umiwas ako ng tingin at yumuko ulit. I heard him laughed a bit pero gaya ng mga nauna, hindi iyon totoong tawa.

"What? Is it true, then? Are you having a crush on me, don't you?"

I exhaled violently. Agaran rin akong napatingin dahil sa walang preno niyang sinabi. My chest ache more when I saw nothing on his eyes but with pure of boredness and nothing but disgust.

"Kaya ka nandito, tama ba 'ko?"

I can't stand the insult coming from his voice. Hindi ko na kayang marinig pa siya kaya naglakas loob akong humakbang.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon