Chapter 20: Out

227 6 4
                                        

Chapter 20

"Uh..." Yno Valencia, the one I dance at senior's prom chuckled awkwardly when he realized what I did.

Nanatili akong nakayakap sa kanya. Habang ramdam ko ang mumunting gulat ni Yno, may sinusundan naman ng tingin ang mga mata ko 'di kalayuan sa business building ng college.

Umambang kakalas na si Yno nang hinigpitan ko pa ulit ang hawak sa kanya. Not yet, Yno!

"Wow... this is kinda awkward but I guess it's a free hug since it's hearts day?"

Hindi ko siya nasagot nang masilayan kong buo ang hinala. Tama nga ako! Sina Kent ang papalabas sa building na 'yon kasama si Austin!

And he's with Staley, his rumored girlfriend day after I confessed my feelings for him. Kasama iyon sa mga iilang tsismis na pinasabog ng mga estudyante, lalo na ng mga kapwa kong junior high pa lang.

Louis Austin is not just simply as you thought here in our campus. Halos lahat yata nang nagpapakalat na may girlfriend na s'ya, may gusto at may crush sa kanya. Kahit mga ka-edad ko o mas bata pa! Pero sabagay, I was also thirteen when I had a crush on him kaya hindi ko rin masisisi ang iba.

He's admire by so many not just because of his natural good-looking air but because of his caliber and skills in so many things. He's a top achiever in their batch, member in some sports. Kabilang na do'n ang basketball, tennis at motorcycling.

Some spread the rumors because they do like the idea that these specific two are dating. But some did it because of bitterness. Ayaw yata nilang magka-girlfriend ang isa sa mga hinahangaan nila dito sa eskwelahan. But then ofcourse, nangibabaw parin talaga ang mga may gusto sa tambalang Staley at Austin.

"Happy hearts day, Addie."

Still hugging to each other, Yno greeted me, this time, nawala na ang awkwardness sa kanya at walang malisya na akong niyakap pabalik.

Napakurap ako at unti-unting lumuwang ang kapit ko sa leeg ni Yno. I saw Adre and Austin talking about something while walking. They were heading somewhere. Hula ko ay maglilibot-libot rin sa mga valentines booth na nakatayo palibot sa buong campus.

They were complete. Only this time, they were with someone else. Marami ang nagsasabi na hindi totoong girlfriend ni Austin si Staley pero gaya nga ng sabi ko, mas marami parin ang nagsasabi at naniniwala na totoo ito. At siguro isa ako sa naniniwala. Dahil kung hindi 'yon totoo, bakit sila magkasama ngayon kasama ang kaibigan niya?

I haven't seen Austin's group with someone else. Walang nangangahas na sumama sa grupo ng lima. Seeing them add by another one, sapat na 'yon para pag-usapan na ngunit mas lalong naging malaki dahil babae pa ang nadagdag sa grupo nila.

Bahagyang namilog ang mga mata ko nang nagtama ang tingin namin ni Austin. Pagkatapos kasing bumulong ng kung ano ni Adre, pareho na silang dalawa na napatingin sa banda namin.

Austin's eyes were like icy and incurious. May kung ano pang sinabi si Adre sa kanya na nilingon nito. Pagkatapos noon ay nauna na siyang naglakad sa grupo kasabay si Staley.

I saw his hands on Staley's waist. Nakasunod sa kanila ang apat; Calvin, Adre, Timo and Kent. Nagkukwentuhan at tila sanay na sanay na sila sa senaryo ng dalawa sa unahan. I saw them walked near the left side of campus. Nandoon ang mga iilang booth na masyadong hindi corny at pambata. Doon yata sila papunta. Iba dito sa right side, kung saan nakahilera ang amin na medyo... immature kumpara sa kanila.

"H-happy valentines! Pasensya na! Free hug!" ako nang makabawi sabay hiwalay kay Yno.

Inayos ko ang buhok na medyo nagulo sa kaka-panic ko kanina. I feel my heart beating so fast despite of the slight pinch near on my chest. Kinabahan ako kanina kaya kong nagawa manghila nang kung sino! Just in time when I saw Yno walking alone kaya imbes manghila ng kung sino para makatago, s'ya na lang ang ginamit ko upang maka-tago!

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon