Chapter 38: Inform

291 7 7
                                        

Chapter 38

"I can't believe this..." Draia looked so shocked and confused when she got to speak after I told her what I discovered from Lolo and what did he do to Austin years and years ago.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko no'ng gabing umuwi kami ni Austin galing Cebu. Nakatulala siya habang pinoproseso ang lahat ng kinuwento ko, medyo kumukunot ang noo at sinusuri lang ako. Tila hindi pa nakakabawi sa lahat lalo na na Kuya niya ang pinag-uusapan namin dito.

Napahinga ako ng malalim at sumimsim sa kapeng nilapag ng kasambahay nila kani-kanina lang dito sa kanilang balkonahe ni Calvin. It's my first time to visit their house in Quezon Fairview. This is located in an exclusive subdivision here in Metro.

Nilibot ko ang tingin sa paligid nito habang naka-upo kaming dalawa ni Draia sa two seater coffee table, tama lang para masilayan namin ang kanilang malapad na front yard sa ilalim at ang labas ng kanilang bahay pagkatapos ng malaking gate na itim. It's a very big modern meditteranean style.

Draia shifted on her seat as she took a sip from her milkshake too. Kumurap-kurap siya sa'kin, mukhang unti-unti nang nakakabawi sa sarili. Medyo mabigat nga talaga ang napag-usapan namin ngunit hindi ko parin maiwasan ang mag ngising aso sa kaibigan pagkatapos kong ilibot ang mga mata dito sa bahay- where she lives now together with her very politician husband.

Sabay kaming napansandal sa kanya-kanyang upuan habang magkaharap. I rested my right leg to my left thigh. Ginalaw galaw ko ang aking paa sa loob ng aking sleek black stilleto.

"Anong iniisip mo?" pinanliitan ako ng mata ni Draia, both of her forearms are resting on her armchest.

She's wearing a high waist fitted faded jeans paired with her sheer puff red crop top. I like how she paired it with some gold layer necklaces on her neck together with her gold high open toe heels. Bumagay rin ang buhok niya na kung dati ay may iba't-ibang kulay ay ngayon ay purong itim na lamang. It's a bit shorter than her usual and the curls, it's really curved in natural spiral curl and waves.

She's really in dress as she came straight from her work place. Ako ang sumundo sa kanya kanina bago kami napadpad dito. Medyo mahabang transaksiyon pa nga ang ginawa niya para kausapin si Calvin na huwag na muna itong sumundo sa kanya ngayong gabi. Ako na nga sana ang kakausap sa Mayor niyang asawa pero buti na lang din at kalaunan, pumayag naman si Calvin na imbes siya ang sumundo ay ako na lang muna.

I called her the other night to ask if we could meet and have a dinner. Dapat nga ay nagpa reserve ako ng table sa paborito naming kainan but in the end, we just both agreed to eat dinner here instead. Sakto at gusto niya na raw makita ko ang bahay nila kaya pinagbigyan ko na lang rin.

Atleast, I am not too late for judging my bestfriend taste when it comes to man who she marries.

"What? Are you thinking of doing something?" She eyed me suspiciously with her usual poker face.

Umiling ako, nakataas ang kilay sa kanya at may umaangat ang sulok ng labi.

"Hindi," I smirked at her.

"Then what? Why are you silent?" Kuryuso niyang tugon.

Nagkibit ako ng balikat at napahawak rin sa bawat gilid na tansong pahingaan ng inuupuan ko.

"Naisip ko lang," panimula ko habang tinignan ang kanan naming banda, kung saan tanaw ang hallway ng kanilang second floor.

This balcony was located infront of their house. Sa bawat gilid nito kung lalabas ka ay may dalawang wing at sa gitna, isang malawak na pabilog na bakal at kita ang first floor, direkta pababa sa kanilang sala.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon