Chapter 15: Shattered

199 7 3
                                    

Chapter 15

"Anong nangyayari dito?" tanong agad ni Austin nang makalapit sa benches kung saan niya ako pina-upo kanina, where also his black duffel bag, stainless hydroflask and all of his things are.

Pagkakita niya kasi galing sa court na nilapitan ako ng coach yata nila ito, agad siyang sumenyas ng sub sa referee.

Mabilis niyang hinuli ang aking tingin pagkatayo ko galing sa upuan. Ilang distansiya lang ang layo niya sa aking harapan, katabi ang coach niyang sinagot ang salubong niyang tanong kani-kanina lang.

"dela Cuest," ani Coach nila sa pormal na tono.

Austin's brow creased a bit at me. Tila tinatansiya niya ang aking galaw habang dinundungaw ako ilang distansiya ang layo. Tumikim ako nang nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Pagkatapos ay nilingat niya naman agad ang nakakatandang ginoo.

"May problema ba dito, Coach?" siya sa mas pormal ngunit malalim na boses.

Their coach shook his head. "Wala naman, Austin. I was just asking this little girl to find herself another chair to sit. Dito kasi naka-upo malapit sa gamit ng team lalo na sa mga gamit mo," sagot nito.

Our eyes met again for once again. Though this time around, he didn't take his gaze off from me. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto ng coach nila. Iyon lang naman talaga ang sinabi niya sa akin kanina, nung nilapitan niya ako at agad nakita ni Austin kaya siya nag request ng sub para makatungo dito.

Tumingala ako sa mga bleachers. Sa likod ng pwesto ng team nina Austin ay siksikan na ang mga estudyante. Buti na lang ay may nakita pa akong pang isahang pwesto sa pangatlong bleachers. Doon ko na sanang planong lumipat nang sa kalagitnaan ng laro at ingay ng tao, narinig ko ang mismong depensa ni Austin sakin sa kanyang coach.

"Pwede bang ma-upo na lang siya dito, coach? She can sit along with my things. May distansiya naman siya sa mga kasamahan ko kaya wala naman akong nakikitang problema," ani Austin sa baritonong boses.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa'kin para maharap pa lalo ang kausap. I saw him licked his lips.

Kumunot ang noo ng Coach nila, tila nagtataka sa nasagot ng isa sa mga team niya. Austin saw it kaya agad niya itong inagapan ng mabilis ngunit sa malalim na paliwanag.

"She's with me, coach. I can't just let her find another chair to sit when she could just sit here infront. Sa pwesto ko. At para lang din malapit siya..." he trailed off as he glanced at me. "...makapanuod at sa akin."

"Oh! Kasama mo pala ito, dela Cuest?" natanto nang coach niya na may hawak na maliit na white board.

Para yata iyon sa instruction nila tuwing time-out.

"Yes, Coach. She's with me."

Pinisil ko ang aking daliri nang sinulyapan ulit ako ng kuya ni Draia. His eyes roamed around right after. Doon mismo malapit sa mga kasamahan niya, kung saan ito naka-upo. He was right. May distansiya nga ako from his team mates ngunit hindi naman ganon kalayo para makita nila ang nangyayari dito ngayon.

"What's the matter, Austin?" Adre, one of his best friend and their team captain asked.

Narinig ko kanina, sa 3rd at 4th quarter pa ito papapasukin along with Austin. Though, kanina, hindi naiwasan at pinasok na si Austin nang mag second quarter. Hindi na masyadong lumapit iyong si Adre. Hinintay niya na lang na sagutin siya ni Austin habang umiinom sa kanyang plastic bottle.

"Nothing, Dre."

Dumapo ang tingin sakin ni Adre. Tipid akong ngumiti. Kilala ko halos ang mga kaibigan ni Austin. I know his circle of friends, pinakilala sakin ni Draia noon but not that enough to converse with them. Nakaka-usap ni Draia ang iilan sa kanila. Minsan kasama ako pero I never really had an interaction to any one of them.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon