Chapter 14
He took one cookie from the box. Pagkatapos ay sinubo niya agad iyon sa isang nguya'an.
Napakagat ako saking labi habang pinipisil ang mga naglalarong daliri saking kandungan. I bit my lip to conceal myself from smiling crazily but I just can't resist it. Hindi ko lang yata mapigilan makaramdam ng kaunting paghanga sa ginawa niya.
Kapag ako kasi kumain ng cookies ko, ilang kagat at subo pa iyon bago ako makaubos ng isa. Minsan nga, nagpapa-timpla pa ako ng gatas para maipares at ma-isawsaw ko lang iyon doon. Pang-iwas umay nadin siguro pero bakit pagdating kay Austin, kahit sa simpleng ganoon niya lang, ginagawa ko nang bigdeal?
Tsaka hindi ko talaga alam bakit kahit sa maliliit na mga bagay o galaw niya, lahat napapansin ko. Parang sa lahat ng kilos, galaw o sa mga sinasabi niya lang, lahat 'yon ikinamamangha ko na.
"We'll go home after you finish your food, okay?" he inform Draia and I like we really had nothing to do but to obey him.
Nasulyapan niya ang marahan kong pagtango. Madalian na nagtama ang mga mata namin pagkatapos. He was like confused by something while staring at me for awhile. Nasa tapat ko si Draia habang siya ay nasa kanang banda ng aking kaibigan. Hindi ko nga alam kung guni-guni ko lang ba iyong nakita kong ekspersyon sa kanya kani-kanina lang.
Isang kisap ko lang kasi, bumalik na naman sa pagiging blanko ang mukha niya.
He cleared his throat before he finished his matcha. He then quickly stood up from his seat. Where is he going? Pasimple ko siyang sinundan ng tingin habang sumisipsip saking chocolate drink, I mean... galing sa kanya na ipinaubaya niya nga sakin kanina.
"I will just go the rest room," paalam niya na hindi naman din naghintay ng sasagot sa amin.
Ngumuso ako nang nakita ang likod niya habang papalayo. Kahit matulin lang ang lakad niya, parang ang bilis pa din tignan dahil sa haba ng mga biyas niya. My one small step could be probably his three steps. Agad siyang lumiko sa kung nasaan nga ang banyo ng cafe na ito.
Disappearing from my sight, I moved my gaze to the chair beside Draia, where actually her brother sitted while he was here a few-while ago. Tinitigan ko ang upuang inupuan at sinandalan-sandalan niya kanina.
Summer after my gradeschool graduation, I read a book that tackles about romance. I don't usually read that kind of genre since 'yong mga binibili lang naman nina Mommy sakin ay puro science fiction o di kaya'y historical. That was one of my first to read that kind of story. Thanks to Draia who gave that gift to me on our graduation day.
"All the books that you read are kind of boring! Here! Ito dapat ang basahin mo! It will give you the feels and chills!" malaswang taas baba ni Draia ng kilay niya sakin.
Ngumiwi ako at tinanggap ang pilit niyang nilalahad na libro. From the cover itself, a girl arching her back while a boy holding her for support was kissing also her neck. Doon palang, alam kong pinamumulahan na talaga ako mula sa tenga at pisngi! Paano pa kaya kapag binasa ko na iyon, diba?!
"Thank you, Draia... Pero ako naman. Ito pala ang gift ko sayo..."
Nilingon ko si Mang Arnel na saktong patungo samin. Pinalahad ko sa kanya ang gift ko kay Draia. Medyo malaki kaya hindi ko nakayanang bitbitin dito kanina. Draia's eyes widened when she saw how big it was.
Wala akong ibang maisip na ibigay sa kanya kundi iyon. Bukod sa alam kong magugustuhan niya, alam ko rin talaga na magagamit niya iyon ng madalas. It's part of her passion, anyway.
"This is too much, Ads! Ang ganda!" aniya at hindi na makapaghintay na hindi iyon buksan.
We opened it together in the middle of crowded people, naka tuga pa kami at ang mga kaklase ay abala pa sa pagpi-pictorial. Pareho kaming tumawa nang pinatayo namin sa gitna ang regalo kong collapsible easel sa kanya.
BINABASA MO ANG
Little White of Secrets (Metro Series #2)
RomanceMetro Series 2 of 3. (Completed) Addie Lane Serraño is secretly inlove with her bestfriend's brother, Louis dela Cuest. With her all bravery and stubborness to pursue the man that she thinks she do love, what will be the things she'll realize on he...
