Chapter 26: Jail

240 8 4
                                        

Chapter 26

From the steps I've made to exit myself backward, kung ga'no katahimik ang aking mga paa na umaapak sa sahig ay gano'n rin katahimik ang aking sarili.

Basa galing sa ulan na wala kong pag-aalinlangan na sinugod kanina, diretso ang tingin at lakad, tahimik akong lumabas at umalis sa opisina ni Austin kasama si Staley sa loob.

Their Antipolo branch is huge and got known by people in just a span of time after they built up the building here. A shocking news I got the other week was one of the reasons why I decided to have a look on him here tonight.

This location was got demolished, I heard. Sinabi nga lang ni Manang Lorna sa'kin kanina nung pumunta ako sa bahay nila na agad rin naman daw naibalik sa maayos ang lahat pati ang pagiging kawalang dahilanan na wasakin ang kanilang negosyo dito. Just exactly when Draia left the Metro.

Sumiboy ang ihip ng hangin dahilan ng pagkaramdam ko lalo ng lamig. Malakas parin ang ulan ng makalabas ulit ako sa labas at ang bestida ko, walang palya ang pagpatak ng tubig ulan galing sa sayad nito. Basang-basa na 'ko kanina pa pero parang tila wala na 'kong paki-alam. Sa lahat.

"Ma'am! Basang basa ho, kayo!" sigaw ni Mang Arnel habang tumatakbo papalapit sa'kin.

Sinalubong niya ako ng malaking payong na itim. I continued walking despite the cold on my feet and on my hand that it started to intrudes on my numb yet quivering skin. Indeed, I was really soaking wet and miserable to look at.

Gabi na at dahil sa ulan, mas lalong madilim ang paligid. Closed na rin ang area kaya maliban sa opisina ni Austin na halatang may tao pa at sa mga posteng nakapalibot sa buong hardware, tahimik at wala ng ka tao-tao. Except for his guards, him and Staley inside at kami dito sa labas.

"Anong nangyari, ma'am? Iyong mga dala niyo ho, nahulog! Pupulutin ko lang!" boses ni Mang Arnel sa gitna ng kulog dahil pagbuhos ng malakas at panibagong ulan.

"H-huwag niyo na hong pulutin ang mga 'yon," tukoy ko sa mga pagkain na nagkandahulog-hulog dahil sa pagkapunit ng paper bag. "U-umalis na lang po tayo dito..." Pumikit ako ng mariin habang naka-kuyom ang kamao.

Iniwan ko ang driver at dumiretso sa sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob at nang naisara ang pinto, mabilis kong hinubad ang mga hairclips na nakaipit sa basang buhok. I don't need any of these! Naluluha ko iyong sunod-sunod na itinapon.

I also wiped my face using my wet hands. Sinigurado kong walang natira na make-up bago ako tumigil. I don't need make-ups, too! Hindi bagay sa'yo, Addie! My hands stopped just in time on my eyes, at nang nagtanong si Mang Arnel kung uuwi na ba, sumagot ako, naka-yuko na at basang-basa na naka-upo sa gilid.

"S-sa bahay na tayo, Manong..." sambit ko at humikbi na.

Hindi ko alam bakit sa sobrang sakit ng nakita ko kanina, parang wala na akong maramdaman na kahit ano. Parang namanhid na lang 'yong buong katawan at emosyon ko.

I couldn't even cry with sound. Parang 'yong sakit, ikinikimkim ko lang na kahit sa pag-iyak, patago ko ring ginagawa. Humikbi ako ng humikbi. I tried so hard to wipe the never ending tears my eyes produces but I know it's useless.

Yes, I cry. I cry silently because of him. I cry hardly because of him. Pero bakit gan'on? Bakit ganito? Bakit ganito na kahit wala na akong halos maramdaman dahil sa sakit, bakit patuloy parin akong umiiyak? At bakit ba lagi na lang akong umiiyak pagdating sa kanya? Pagdating sa Kuya ng best friend ko? Pagdating kay Austin?

Ganito ba talaga ang magmahal? Ganito ba talaga ang naidudulot ng sakit kapag may gusto ka sa isang tao? Sa isang taong kailan'man yata ay hindi ka makikita sa paraang pa'no ka niya gustong makita.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon