Chapter 6: Girlfriend

370 11 11
                                        

Chapter 6

"Have you eaten lunch?"

After a long air of silence, Louis Austin finally spoke. Not that I've been patiently waiting for him to talk to me but ang akward kaya nung super tahimik pa kanina.

"I haven't," simple kong sagot at lingon sa kanya bago ulit binalik ang tingin sa labas.

"Bakit?" I caught him glare a bit when he glanced on my side. Mabilis din naman siyang tumingin sa harap para umabante. Nasa stop light kasi kami kanina.

"Kasi hindi pa 'ko gutom?"

Nilingon niya ulit ako na nakakunot ang noo. And this time, his jaw tightened a bit also.

"Mahaba ang babyahiin natin," he stated. I know what he meant by that.

"Alam ko naman."

I heard him sigh violently. I'm trying to be casual kaya isang tanong niya, isang sagot ko rin naman pero bakit mukhang problemado pa siya ngayon kesa nung hindi ko siya pinapansin?

Mag-iisang oras na yata kaming bumabyahe pa Pangasinan. I still couldn't believe that we will go there today. Pero heto kami ngayon, ako, na nasa loob na ng itim niyang SUV at palabas na sa buong ka maynilaan kasama siya.

I guess, this is one of my expect the unexpected in life, huh.

"Where do you wanna eat? I'll find a drivethru of it."

Mabilis ko siyang sinulyapan. He glanced quickly at me too. Nakataas pa ang kilay na parang nanghahamon. Ayaw na yata na mag protesta pa 'ko. I silently sighed at that.

"Ikaw ba? Hindi ka rin ba naka-lunch?"

Dinilaan niya ang kanyang labi. He's now driving slowly compared to awhile ago. Nakasandal lang din ang kaliwang braso sa bintana ng sasakyan. Tamad niyang hinahawakan ang manibela gamit ang kanang kamay.

"Busog pa 'ko nung umalis tayo sa BGC," sagot niyang marahan.

Hindi ko alam bakit naghaharumento na 'tong puso ko kahit sa mga ganitong interaksyon lang! Tinignan ko ang dalawang truck na nauna na samin. They almost couldn't be seen. I don't know if they were just too fast or Austin's skills in driving is kinda slow but I'm sure, it will never be about the last.

This boy right beside me is not only known as bachelor of this town. He's also quite known as one of the active person when it comes to riding a motorcycle or any kind of sports related to driving. Just like Kit but that brute was more on racing and that kind of thing, while this one is more on motorcycling for adventure. Madalas mo silang makikita na magkasama nina Calvin Fellizar, the city mayor of Metro.

"May naisip kana ba kung saan mo gustong bumili ng makakain?"

I snapped back at that. Umiling ako. "Wala eh. Tsaka busog ka pa naman. Mamaya na lang tayo kumain kapag nakarating na tayo dun."

"Bakit mamaya pa?"

"Kasi hindi kadin naman pa kakain?"

Umangat ang sulok ng labi niya. He's gaze was on the street but I could still tell.

"And so? Ikaw naman ang inaalala ko," sagot niya na parang ikalalagot yata ng hininga ko.

"Basta! Para diretso na tayo. Look, wala na sina Mang Lando, oh! Nauna na sila!" I pointed out.

"Makakarating din naman tayo so don't worry about it anymore. Now, saan mo gusto so we could go there, already?"

Wala talaga akong maisip kahit kanina ko pa sinusubukan.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon