Chapter 17: Stubborn

234 9 11
                                        

Chapter 17

"Sino ang may pakana ng ginawa niyo kanina?" malalim na boses ni Austin ang nangibabaw sa loob ng sasakyan niya.

I stayed silent. Bumuntong hininga siya na parang problemado. Alam yata na hindi ako kikibo. My eyes remained outside the car's window. Pinisil pisil ko ang aking mga daliri na nasa aking kandungan.

I am nervous. Palagi naman kapag ang Kuya na ni Draia ang pinag-uusapan. Ano pa kaya kung katabi ko siya ngayon sa loob ng sasakyan niya. At ihahatid pa 'ko ng ganitong oras!

"It was my sister's idea, isn't?"

Nilingon ko siya. He's lazily driving the road of Metro. Madaling araw na kaya bukod sa ingay lang ng iilang sasakyan ang bumabalot sa gabi, malamig din ang simoy ng pang-umagang hangin. Although his car is pretty tinted.

"It was the idea of all," tinama ko ang sinabi niya.

Mabilis niya rin akong nilingon ng madalian. Tumikhim ako.

Ayaw ko lang isipin niya na si Draia na naman ang may kasalanan. Sa kay Draia naman talaga ang ideyang iyon pero lahat kami sumang'ayon kaya technically, lahat na kami ang may pakana.

"Proud pa ka'yo, huh," paratang niya sa masungit na tono.

I frowned at that. "I just corrected your speculations."

"Yeah, right. Bakit nga ba kayo nag gate-crash?" tanong iyon pero may pang-iinsulto.

Hindi ako kumibo kaya sinulyapan niya ako. Gamit ang kanang kamay sa manibela, hindi mahina at hindi rin mabilis ang patakbo niya. Just like what I've said, he is lazily driving. Ani'mo parang walang hinahabol na oras.

"Can't wait for the right time?"

Austin's side of lips rose. I am slightly amazed by his natural air of snobbishness but the insult from his tone made me frowned more.

"We were just curious," I answered honestly that I think, it made him more snobbish.

"So hindi nga kayo makapaghintay? Hindi ka makapaghintay?"

"I said we were curious. I was curious but that doesn't mean na hindi na kami o ako makapaghintay."

"Really, though? That kind of action is either for many reasons. For curiousity, for fun or for attention. O pwede rin na hindi lang talaga kayo makapaghintay. Nagmamadali."

Napasinghap ako. I feel an ache from my right chest probably because of his remarks. Oo at mali talaga ang ginawa namin pero kailangan ba talaga niyang manumbat ng ganito?

"Are you that desperate to be fully grown?"

Pasimple niya lang naman na tinanong sa akin 'yon but my eyes already widened in fraction. Nagulat ako ng ilang segundo pero mas nanaig ang kaunting galit na nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko, sa likod ng simpleng tanong na 'yon ay may ibang kahulugan pa. O baka sakin lang kasi ako lang naman ang may makulit at traidor na pag-iisip.

"So what if I am?"

Sa sobrang bilis nang naging sagot ko, hindi ko na rin namalayan ang lumabas sa'king bibig. It was too late for me to realize. But I think somehow, it was worth it to be that brave. Especially when I caught Austin's angry and deep gaze on the road. His jaw moved.

"You're still a kid," he said emphatically.

"Kaya nga gusto ko nang tumanda-"

"At tapos?" he cut me off without hesistancy.

I saw his grip tightened on the stirring wheel. Napasandal ako sa upuan. Kabadong kabado ako sa naging sagutan. My nervousness got more higher when I saw his disposition.

Little White of Secrets (Metro Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon