Chapter 28: Finest Gown
Lumipas ang ilang araw na hindi ko man lang namamalayan dahil masyadong nakatuon ang pansin ko sa mga dapat kong ihanda bago ang paparating na big event. Biyernes ng hapon at naglalakad kami pauwi sa amin.
"Sa lalim ng iniisip mo baka mahulog ka sa manhole na 'yon" inginuso ng katabi ko ang manhole na ilang hakbang na lang pala ang layo mula sa akin.
Hindi ko na namalayan na malapit na ako sa manhole at mas lalong hindi ko namalayan na pauwi na pala kami ngayon.
"Salamat sa paalala, anyway, hindi mo naman ako hahayaang mahulog doon 'di ba?" tinaasan ko siya ng kilay pero nginisihan niya lang ako
"Ako pa maghuhulog sa 'yo."
Napangiwi ako at napaismid. "That's a nice idea, Mr. Montallejo. Sana hindi mo na lang sinabi sa akin" I said sarcastically. Tiningnan niya ako bago humagalpak ng tawa. Inakbayan niya ako at marahas na ginulo ang aking buhok.
"Too cute haha. Syempre hindi kita hahayaang mahulog, lagi akong nandito para saluhin ka" kumindat siya habang ako naman ay parang masusuka na kaya naman siniko ko siya sa tagiliran na lalo niyang ikinatawa.
"Siya nga pala," sumenyas ako na yumuko siya ng kaunti "Ayaw mo ba talagang gamitin yung baril ni Daddy? Ipapahiram ko naman sa iyo 'yon" umiling siya bago umayos ng tayo.
"Ako nang bahala sa sarili ko kaya ikaw na lang ang gumamit no'n. May mga nakuha naman akong gamit mula kay lola kaya ayos na 'yon."
Napasang-ayon na lang ako sa sinabi niya at hindi na umimik pa.
Pagkarating namin sa bahay ay may kotseng nakaparada sa harapan nito. Silver-colored Mitsubishi Lancer Evo X. Kanino kaya ito? Baka may bisita si kuya?
"Oh bakit may kotse riyan? Sa inyo ba 'yan?" takang tanong ni Priam pero nagkibit-balikat lang ako
"Wala kaming perang pambili ng kotse. Baka sa bisita lang ni kuya 'yan. Tara na sa loob" nagpatiuna na ako sa pagpasok dahil sobrang sakit ng paa ko at hindi ko alam kung bakit.
"Kuya nandito na-" napatigil ako nang makita kung sino ang kausap ng kapatid ko. Huminto ako sa pintuan kaya naman bumangga si Priam sa likod.
"Bakit ka huminto?" nilingon niya rin ang dahilan ng paghito ko "Si Scott? Anong ginagawa niya rito?" bulong niya pero hindi agad ako nakasagot
"Nariyan na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ng kaibigan n'yo na ito. Ano ka ba Nini? Bakit hindi ka pa pumasok ha? Tatanga ka lang ba riyan?" nabalik ako sa katinuan nang magsalita si kuya
"A-Ano kasi... nagulat lang ako sa kaniya hehe" I awkwardly smiled. Ano ba kasing ginagawa ng lalaki na iyan dito?
"Sige maupo ka muna Priam tamang-tama at naghanda ako ng meryenda may naimbento akong recipe ng cookies kaya tikman mo. Ikaw naman babae magbihis ka na sa taas may sasabihin daw sa iyo 'tong bisita mo bilisan mo." utos niya kaya wala kaming nagawa ni Priam kung hindi ang sumunod. Nagtinginan kaming dalawa at kahit hindi siya magsalita ay nababasa ko kung anong sinasabi ng mga mata niya: "Bakit nasa bahay ninyo si Scott?" Bahagya akong umiling dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.
"Aakyat lang ako." matipid kong tugon bago tumingin kay Scott. Binigyan ko siya ng 'what the hell are you doing here?' kind of look pero nginisihan niya lang ako kaya napangiwi ako at napairap. Humanda ka sa akin mamaya!
Ilang minuto ang inabot ko sa pagbibihis dahil iniisip ko kung anong ginagawa ng lalaki na iyon dito sa bahay namin. Kanina pa raw siya rito sabi ni kuya ibig sabihin lang kanina pa sila magkausap, ano kayang mga sinabi niya sa kapatid ko? May mga ikinuwento kaya siyang kasinungalingan? We're not that close kaya ano namang mga maaari niyang sabihin bukod sa kagaguhan? Well, sa pagkakakilala ko naman sa kaniya, he's not a talkative person kaya malamang na wala naman siyang kung anong sinabi hindi ba? Pero bakit parang kinakabahan ako?
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...