Chapter 19: Camp
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Priam, hindi na ulit kami nakapag-usap dahil naging busy kami para sa nalalapit na event. Isa na diyan ang mga activities and papers na kailangang ipasa sa mga prof dahil nag-adjust sila ng mga deadline of submission. Pressured kaming lahat at halos hindi na kami magkandaugaga sa pagpapasa at paggawa ng mga gawain. This event really stressed me out. Sumasakit na ang ulo ko.
Bukas na ang nasabing camp pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Scott para sa magiging tent namin. Gaya nga ng sabi ko, sobrang busy namin to the point na hindi man lang namin namalayan na bukas na pala ang camping.
Tapos na ako sa lahat ng dapat ipasa kaya nandito ako ngayon sa cafeteria at nagpapahinga.
"May tent na kayo?" tanong ni Priam bago umupo sa tapat ko.
Umiling ako "Wala pa. Hindi ko pa nakakausap si Scott eh"
"Aba! Bukas na ang camp ah! Bakit hindi pa kayo nag-uusap? Wala ba siyang plano?" kunot-noong tanong niya bago kumagat sa mansanas na hawak niya
"Mamaya kakausapin ko siya tutal tapos naman na lahat ng mga gawain ko" nagkibit-balikat na lang ako saka humigop sa iced coffee ko.
"Kung wala nga siyang plano, doon ka na lang sa tent namin. Malaki naman 'yon at ako naman ang magdadala kaya pwede ka roon" tumango na lang ako sa sinabi niya.
Lunch break pa naman kaya naglibot na muna ako. Nagpaalam naman si Priam na pupunta siya sa library dahil may hindi pa siya natatapos na gawain na ngayon ang deadline.
Naglakad ako sa field papunta sa isang bench na natatabingan ng malaking puno ng mangga. Umupo ako bago ipikit ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Humid air. Not cool but not hot either. I love this.
"Pwedeng makiupo?" napamulat ako ng mata dahil sa nagsalita. Tiningnan ko siya bago tumango. Umupo siya sa tabi ko, isang dipa ang layo mula sa akin.
"Ako nang bahala sa tent natin" banggit niya. Tumango lang akong muli bago tumingin sa malayo.
"Kung ayaw mo, pwede naman akong makipagpalit kay Priam" napalingon ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
"Huh?"
"I mean, if you don't want to be with me ayos lang, makikipagpalit na lang ako kay Priam" nakangiting banggit niya pero mabilis akong umiling.
"No, it's fine. You don't have to" nginitian ko rin siya pabalik. Though it looks weird for me whenever I see him smiling, but I find him adorable that way and it suits him very well.
"You know what? Try to smile often, it really suits you" banggit ko. Umusog siya palapit sa akin bago ako tingnan ng seryoso. Napalunok ako dahil sa distansya namin ngayon.
"Really? If that's the case, I must wish to see you often" he said directly into my eyes. His eyes are really fascinating. It seems like a wide and deep ocean where you can be drowned anytime you look on it.
"B-bakit naman?" utal na banggit ko. Nakaka-suffocate 'tong pagitan namin. Masyado siyang malapit that I can clearly smell his scent. He smells so sweet and it lingers in my nose and in my whole system.
"Because you're the reason why I am smiling" he winked. After hearing those words, my heart skipped a beat. Pinagpawisan ako at para akong nabingi. Did he really said those words?
"Paano? Una na ako, I have lots of activities to be passed. Bye" before I could open my mouth, he already left. Nakabalik na ako sa katinuan at nakahinga na ako nang maayos. W-what happened to m-me?
Wala na akong naintindihan sa lahat ng mga sinabi ng profs namin. Lutang ang isip ko hanggang uwian.
"Really? If that's the case, I must wish to see you often"
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...