Chapter 25: Mark of the Prophecy
Nasa sala pa rin kami hanggang ngayon at hinihintay ang paggising ni lola Herminia. Ang kaninang halos nagbabaga na sa init na mga kamay niya ay bumaba na ang temperatura. Pinagtiyagaan namin ni Priam na punasan ang kamay ng lola niya hanggang sa maging normal na ulit ang mga ito.
Napansin kong nagmulat na siya ng kaniyang mga mata kaya agad kong tinapik si Priam.
"Lola! Ayos na po ba kayo? Ano pong nararamdaman ninyo?" alalang tanong niya
"Medyo maayos na ang pakiramdam ko" mahinang tugon nito na bakas pa rin ang panghihina sa kaniyang boses.
"Ikukuha ko po muna kayo ng maiinom" banggit niya bago tumungo sa kusina.
"Niana..." napalingon ako kay lola Herminia.
"Bakit po?"
"Nakita ko sa pangitain ko na mamamatay ako ngayong gabi," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala
"A-ano pong sinabi niyo?"
"Kitang-kita ko sa pangitain ko na nakatakda akong mamatay pero bigla na lamang nag-iba ang mga pangyayari. Iyon ang dahilan ng pananamlay ko kanina pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nagpakita."
Nangunot ang noo ko "Sino po ang-"
"Lola heto na ang tubig n'yo" biglang sabat ni Priam kaya hindi ko naituloy ang sinasabi ko.
"Salamat apo" umupo siya at sinimulang ubusin ang inumin.
Halos isang oras na akong paikot-ikot sa aming silid. May gumugulo sa isip ko at iyon ay ang sinabi ni lola Herminia kanina. Ang siya kaya na tinutukoy niya ay yung lalaking tumulong sa amin kanina? Magkakilala ba sila? Pero may posibilidad na bampira ang lalaking 'yon kaya bakit? Bakit parang may alam ang lola ni Priam sa kaniya at bakit tinulungan niya kami?
"Arghhhh! Nakakainis!" napapasabunot na ako sa sarili ko dahil sa matinding pag-iisip
"Masisiraan na yata ako ng bait!"
Huminga ako nang malalim bago tumungo sa bintana. Pinagmasdan ko ang buwan mula rito nang bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig sa paligid. Hinaplos ko ang aking braso upang maibsan ito pero mukha yatang mas lumala pa ang ginaw na nararamdaman ko.
"Niana" napitlag ako at napahawak sa aking dibdib nang may magsalita.
"Ay kalabaw kang- ano ba?! Bakit mo naman ako ginugulat?! Aatakihin ako niyan eh!" singhal ko kay Priam na ngayon ay nakangisi nang nakakaloko
"Napakamagugulatin mo talaga, tsk!"
"Aba! Kasalanan ko bang lagi mo akong ginugulat kaya ngayon hindi na 'yon naaalis sa sistema ko!" sa halip na magsalita ay tumawa lang siya bago lumapit sa akin. Inakbayan niya ako at bahagyang ginulo ang aking buhok.
"Paano ba naman kita lulubayan kung nakakatawa 'yang hitsura mo kapag nagugulat?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya pero tumawa lang siya. Gusto kong mainis sa isang 'to pero hindi ko magawa at iyon ang nakakainis.
"Matulog na tayo" banggit niya kaya tumango ako. Papunta na ako sa higaan ko nang bigla niya akong pigilan.
"Hmm? Bakit?"
"You're still wearing that necklace?" huminga muna siya bago muling magsalita "It would be better if you'll remove that and put it away. Believe me, hindi 'yan nakakatulong lalo na sa'yo" hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito. Sabi niya nagawa siyang protektahan ng kwintas na ito noon pero bakit gusto niyang itapon ko na ito ngayon?
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...