Chapter 27: Save the Date
Isang linggo ang nakalipas matapos ang pangyayari sa field, tahimik pa rin ang lahat at ipinagbabawal na pag-usapan ang nangyari upang maging kalmado ang mga estudyante at guro, ganoon pa man ay hindi maiwasan na mapag-usapan ito lalo na at ang buong University ay binalot na ng takot. We are all random people but when you look on each faces you will see the similarities, and that's the fear that conquered us. Sa bawat sulok ng paaralan na ito ay kakikitaan mo ng takot, mga paang nag-uunahan sa paglalakad upang hindi maiwan mag-isa at mga matang nakamasid sa paligid upang masiguro na hindi sila ang susunod na biktima. Nagkaroon din ng policy na dapat ay sunduin ng magulang o kahit sinong guardian ang isang estudyante para masigurado na walang mangyayaring masama sa mga ito.
Dama man ang takot at pangamba sa bawat isa ay patuloy pa rin ang klase. Normal ang lahat maliban na lang sa pagpapakiramdaman ng bawat isa dahil maaaring mayroon dito sa mga nakakasalamuha namin ang isa sa mga salarin.
"Niana," nilingon ko si Priam matapos niya akong bulungan "Hindi ko alam kung tama yung pagkakarinig ko ha, pero narinig ko na parang magkakaroon yata ng masquerade party sa susunod na linggo."
Nangunot ang noo ko, "Masquerade party? Saan mo naman narinig 'yan aber?" tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay
"Narinig ko 'yon sa usapan ng mga head teachers kanina noong dumaan ako sa office, binabalak pa nga nila na allowed ang mga taga-labas na pumasok para um-attend sa party." nanlaki ang mga mata ko dahil sa huli niyang sinabi
"Ano?! Bakit?!"
"Hinaan mo nga 'yang boses mo" pagalit na bulong sa akin ni Priam kaya pinagmasdan ko ang paligid at doon ko napagtanto na nakatingin silang lahat sa akin.
"Sorry, sige tuloy niyo lang 'yang mga ginagawa ninyo hehe" nag-peace sign pa ako kaya bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa.
"Pero Priam, hindi nila pwedeng gawin 'yon. Doon pa lang sa parte na gusto nilang magkaroon ng masquerade party, hindi na maganda dahil unang una, walang masquerade party sa umaga kaya gabi talaga 'yon gaganapin. Pangalawa, bakit sila mags-set ng party eh may mga estudyante pa lang na namatay? Hindi na nila ginalang. At pangatlo, open to all? Bakit nila naisip 'yon eh alam naman nilang delikado? Gumagana ba nang maayos mga utak nila?" gigil na banggit ko dahil mukhang wala na sa katinuan ang mga tao na 'yon
"Anong magagawa natin kung tanga na sila ngayon?" nagkibit-balikat siya bago dumukdok sa armrest ng upuan
Napabuntong-hininga ako dahil sa ibinalita sa akin nitong si Priam. Ilang segundo akong nakatulala bago may pumasok sa isipan ko. Nilingon ko ang katabi ko na nakadukdok pa rin.
"O kaya naman hindi talaga sila tanga, baka may iba pang dahilan sa likod nito" dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. With the sudden look on his face, I already knew that we are sharing the same thoughts.
"Iyon nga kaya? Posible ba 'yon?"
"Hindi ko alam pero hindi naman 'yon imposible hindi ba?" mariin siyang napapikit dahil sa sinabi ko
"I hope that's not fucking true."
"Ako rin pero kailangan nating mangalap ng sagot. Kailangan nating mas maging alerto sa paligid."
"Good morning class!" napatingin kaming lahat sa isang babae na pumasok sa aming silid-aralan.
"Anong ginawa niya rito?" gulat na bulong ko kay Priam na hindi rin maintindihan ang nangyayari
"Hindi ba kayo babati pabalik?" malumanay ngunit mapanindak na tanong ng guro
Wala kaming nagawa kung hindi ang bumati sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...