Chapter 17

28 2 0
                                    

Chapter 17: Smile

Napabalikwas ako nang bangon. Tagaktak ang pawis sa buo kong katawan at habol-habol ko ang aking hininga. What was exactly happened?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Nandito ako sa kwarto ko. Pero paano?

Bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Kuya "Gising ka na pala. May masakit pa ba sa iyo? Anong nararamdaman mo?" tanong niya bago umupo sa tabi ko. Dumako ang tingin ko sa orasan. 12:35 am. Umaga na pala?

"P-paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko "A-ano bang nangyari?" dugtong ko kaya napabuntong hininga siya.

"Actually, hindi ko rin alam ang nangyari. Nakita ko lang sa harap ng pinto ang mga pinamili mo habang ikaw naman ay nakahiga sa damuhan na walang malay. May mga sugat ka at puro dugo ang damit mo kaya nataranta ako. Plano ko sanang dalhin ka sa ospital hanggang sa dumilat ka kaya pinasok kita agad dito sa bahay. Nini, ano bang nangyari?" hindi ako umimik sa sinabi niya. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Yung lalaki kayang nagligtas sa akin ang nagdala sa'kin dito? Paano? Alam niya kung saan ako nakatira? Kilala ko ba siya? Ano bang plano niya? At si Calix, anong nangyari sa kaniya? Buhay pa ba siya? Anong gusto niyang gawin  sa akin?

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Argghh! Ano ba naman?!

"Mabuti pa, magpahinga ka muna. Mamaya na lang tayo mag-usap. I'm glad your safe..." hinalikan niya ako sa ulo "Sorry. Dapat hindi na kita hinayaang lumabas dahil alam kong delikado. Napakapabaya kong kapatid. Sorry" yumuko siya. Nang humupa na ang sakit ng ulo ko ay hinawakan ko ang kamay niya.

"It's not your fault, Kuya. Aksidente lang 'yon. Hindi naman natin alam na mangyayari yun hindi ba?" tumingin siya sa akin. I saw his eyes full of guilt and pain. Hindi ko gustong nakikita siyang ganito dahil sa akin.

"Pero alam kong hindi dapat kita hinayaan! Kuya mo ako kaya dapat alam ko kung ano ang makasasama sa'yo pero hinayaan pa rin kita. Ako pa nga ang nag-utos sa iyo-" napatigil siya dahil sa pagyakap ko sa kaniya nang mahigpit.

"It's fine, Kuya. I'm fine. Don't feel guilty dahil ayos naman ako. Hindi ako patay at hindi pa ako mamamatay, okay. Huwag ka nang mag-alala." naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. I hope we can be like this forever.

Kumalas siya sa pagkakayap at iniharap ako sa kaniya "I'll protect you, no matter what. Ikaw na lang ang mayroon ako kaya hindi ko hahayaang mapahamak ka. I promise" nginitian ko siya dahil sa sinabi niya. My brother is everything. Hindi ko rin hahayaang mapahamak siya lalo na sa kamay ng mga nilalang na iyon. I will protect him at all cost.

After some hours of sleep, nagising ako bandang 5 am. Tulog pa si Kuya at malamang ay dahil napuyat siya sa pag-asikaso sa akin kagabi. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Ipinusod ko muna ang buhok ko bago maghilamos. Ouch! May sugat nga pala ako sa mukha. Bwiset!

Matapos maghilamos ay tinitigan kong mabuti ang hitsura ko sa salamin. Medyo mahaba pala ang tatlong kalmot sa kaliwang pisngi ko. Hay nako! Yung tipong hindi ka na nga kagandahan eh nagkaganito pa.

Minabuti kong bumaba na para makapaghanda ng almusal namin ni Kuya. Isinangag ko ang natira naming kanin kagabi saka ako nagprito ng ham at itlog. This is our usual meal during breakfast. Mas masarap kasi ang sinangag na pang-umagahan kaysa sa normal na kanin lang. Sakto naman na gising na si Kuya at pababa na ng hagdan.

"Early bird!" sambit niya bago maghikab at lumapit sa lamesa saka umupo.

"Habit mo na yata ang maagang paggising?" biro niya habang nagsasandok ng sinangag

"I think so" mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko.

Tahimik lang kaming kumakain. Ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Umuulan kasi sa labas ngayon pero hindi naman masyadong malakas, yung sakto lang para sa mga nage-emote. Nagtimpla ako ng hot chocolate para sa akin at kape naman para kay Kuya.

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon