Chapter 30: Chaos
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Bahagya pa akong nahihilo pero nagawa kong bumangon. Inilibot ko ang aking paningin at inusisa kung nasaan ako. May liwanag na pumapasok sa loob ng silid na ito na nagmumula sa buwan kung kaya't naaaninag ko ang paligid. Classroom.
Nasa isang classroom ako pero anong ginagawa ko rito? Paano ako nakarating dito? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
"Niana!" humahangos si Priam na lumapit sa akin
Niyakap niya ako. "Thank God, ligtas ka. Sobra akong nag-alala sa 'yo. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" sinuri niya ang buong katawan ko na halatang alalang-alala
"I'm fine, Priam. Medyo nahihilo lang pero okay na ako."
"Mabuti naman. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may hindi magandang nangyari sa 'yo" lumungkot ang mga mata niya at kumuyom ang kamao.
Napatayo ako nang may biglang maalala.
"Nasaan si Scott? Nakita ko siya bago ako nawalan ng malay kanina." banggit ko nang maalala na siya ang nagligtas sa akin kanina
"Hindi ko alam kung nasaan siya, pinuntahan niya ako kanina para sabihin na nandito ka at walang malay. Ang sabi niya lang ay may hahanapin siya pero hindi ko alam kung ano o sino."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang oras, mag-aalas-diyes na ng gabi. Kailangan na naming kumilos at hanapin ang mga halimaw na iyon dahil kaunti na lang ang panahon na mayroon kami.
"Hanapin natin siya, nagsisimula nang umatake ang mga kalaban. Kailangan na nating gumawa ng hakbang." nagmadali akong pumunta sa pintuan nang higitin ni Priam ang braso ko
Napalingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo.
"Bakit?"
"Natatakot ako, Niana" halata ang pagkabahala sa kaniyang mga mata.
"Kahit ako rin naman, Priam pero kailangan natin itong gawin para hindi na gumulo ang lahat at wala ng buhay ang mabuwis pa." kumuyom ang mga palad ko nang maalala ang walang buhay na katawan ni Nica
"Natatakot ako para sa 'yo, hindi para sa sarili ko." natigilan ako sa sinabi niya
"Isa ka sa pinakamahalagang tao para sa akin, Niana. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak ka," ramdam kong nanginginig ang mga kamay niya "Hindi ko kakayanin kung may-" naputol ang sinasabi niya nang hawakan ko ang kamay niya. Hinarap ko siya at marahang hinaplos ang pisngi niya.
"Walang mangyayaring masama sa akin, Priam. Lalaban ako para sa sarili ko at para sa mga taong mahal ko sa buhay. Saka isa pa, nariyan ka naman hindi ba? Kayo ni Scott? Alam ko namang hindi n'yo ako hahayaang mapahamak. May tiwala ako sa inyo." ngumiti siya at mahinang tumango
"Handa akong mamatay para sa iyo." nahampas ko siya dahil sa sinabi niya
"Sira! Walang mamamatay sa atin. Sila lang ang dapat na mamatay." narinig ko ang mahinang pagtawa niya
"Tara na, hanapin na natin si Scott" suhestyon nito kaya dali-dali kaming lumabas at nagsimulang hanapin si Scott.
Tuloy pa rin ang kaganapan sa loob ng multi-purpose hall. Dinig na dinig ang malakas na musika at tawanan ng mga taong nasa loob. If only you guys knew what is happening here, you won't even dare to laugh.
Ilang sandali pa kaming naghanap hanggang sa makasalubong namin si Scott. Base sa hitsura niya ngayon ay masasabi kong galit ito. Saan ba siya galing?
"Scott-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ako sa braso at nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...