Chapter 15: The Necklace
Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na pangyayari. Ang tanging alam ko lang ay may isang lalaking humila sa akin palabas ng library.
"S-si Sarrah..." halos bulong na lang ito. Wala na ako sa sarili. Sobra akong naapektuhan dahil sa nakita ko.
"Tumahan ka na. Hindi mo kailangang umiyak" niyakap niya ako nang mahigpit. Napahagulgol ako sa dibdib niya. He's taller than Priam kaya naman hanggang dibdib lang ako.
"P-pero Scott... s-si Sarrah" paulit-ulit kong sambit. Kanina lang sinampal niya pa ako tapos ngayon wala na siya. I can't take this!
"Shh. Wala ka namang kinalaman dito hindi ba? Kaya tumahan ka na, please" patuloy lang siya sa pagpapakalma sa akin. Wala na akong pakielam kung hindi kami close at sobrang basa na ang damit niya dahil sa pag-iyak ko. I need comfort right now and he gave me that. Hindi naman siya nagrereklamo so why bother?
"Niana!" a familiar voice shouted.
"Ayos ka lang?" his eyes are so worried. Lumapit ito sa amin kaya kumalas ako sa pagkakayakap mula kay Scott.
"Hey! Ayos ka lang ba?" muli niyang tanong. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata. Nakarinig naman ako ng impit na tunog mula sa isa kong kasama.
"Mukha ba siyang ayos?" Scott said sarcastically habang nasa bulsa ang parehong kamay. Tiningnan ko siya at tama nga ako, basang-basa ang damit niya.
Tumingin si Priam sa kaniya "I'm not asking you" he said firmly.
Ibinaling niya muli sa akin ang tingin saka ako niyakap "Pasensya na dahil wala ako nung kailangan mo ako. Sorry" paghingi niya ng tawad.
Hindi na ako nagsalita pa. I don't have any words left. Para akong napipi dahil sa nangyari. Ayoko kay Sarrah, yes, but it doesn't mean na gusto ko siyang mamatay. Kahit may hindi kami pagkakaintindihang dalawa, I will never wish for this; for her death. She's mean, rude and childish but she don't deserve this. She don't deserve this kind of end. Kung sino man ang gumawa nito, wala siyang puso. Napakasama niya. I know whoever did this, hindi siya tao dahil walang tao ang kayang gumawa nito. He's a demon, maybe. No! He is a demon and I am really sure of that.
Nandito ako ngayon sa principal's office for some interrogation. Dismissed ang mga klase pero hindi muna pinauwi ang mga estudyante para sa imbestigasyon. Sarrah is the principal's daughter after all so, ano pa ba ang nakapagtataka?
"Ms. De Vera, wala ka bang kilalang maaaring gumawa nito sa kaniya? Kaklase mo siya hindi ba? Maaaring may alam ka na may galit sa kaniya or kagalit niya dito sa loob ng campus." pagtatanong ng imbestigador. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. I can't find any word to say. Natrauma ako sa nakita ko.
"Ms. De Vera?" napatingin ako sa lalaking nagsalita. He seems so lost. Magulo ang kaniyang buhok dahil kanina pa siya napapasabunot sa sarili. Hindi na rin maayos ang kaniyang damit. Mugto ang mga mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak ngunit may namumuo na namang luha. Maybe he is so frustrated and drained because of this. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari. Siya ang principal pero hindi niya nagawang pangalagaan ang sarili niyang anak na nasa loob mismo ng paaralang pinamamahalaan niya. I felt so worried for him. He may be strong and authoritative but he is still a father and he's also fragile especially when it comes to his child. Nakakaawa siyang tingnan.
"Please... kung may alam ka sa nangyari sa anak ko, tell me. I need answers right now..." pagsusumamo niya bago muling bumuhos ang luha. Pagod na siya at nararamdaman ko iyon. I can't help but to cry again. Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...