Chapter 32: The Blood Moon
I woke up with a severe headache. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko ngunit pinilit kong aninagin ang paligid. I tried to move my hands, but I couldn't. I was chained against the cold stone that I am lying on right now. Nakakadena rin ang magkabilang paa ko na para bang natatakot na makatakas ako rito.
Nang maging maayos ang paningin ko ay matinding takot ang naramdaman ko. Napagmasdan kong maigi ang paligid. Iba't ibang simbolo ang nakaukit sa bawat dingding ng kwarto kung nasaan ako. Umaalingasaw din dito na para bang may nabubulok na laman. Puro bakas ng dugo ang paligid.
Iniangat ko ang tingin ko at napagmasdan ang malaking bilog na butas sa itaas ko. Matatanaw mula rito ang kalahati ng buwan, at ang kalahati pa ay natatabingan ng makapal na ulap. As per the news earlier, the full moon will reach its peak at exactly midnight on my 18th birthday. It was also said to be changing its color to the color of blood; that's why it's called the blood moon.
This full moon will surely be bloody as hell. I'm slowly losing hope that I will succeed. Nakakadena ako at hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin sa mga oras na ito. Ilang minuto mula ngayon ay tuluyan nang magiging bilog ang buwan at marahil, ito na rin ang magiging katapusan ko.
"Gising ka na pala" tinig na bumuhay sa takot na nasa loob ko.
"N-Nasaan ako?"
Lumapit ito nang dahan-dahan. "Sa lugar kung saan wawakasan ko ang buhay mo" bulong nito na nagpakilabot sa akin.
Mapait akong natawa.
"Guess my life ends here then."
He smirked. "Oh! It surely will."
I heaved a deep sigh as I accepted my fate. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Ayokong hanggang dito lang ako. Gusto ko pang lumaban, but right now, I felt so hopeless. Maybe it's somehow a good thing that I even reached this point. I'm very proud of myself that I conquered everything, even though, in the end, I'll just end up getting killed by these monsters.
"Gusto mong makarinig ng nakakatawang kwento?" banggit ni Calix bago humila ng upuan at umupo sa gilid ko
"Wala akong pakialam sa kwento mo" mapait na sambit ko bago lumingon sa malayo.
Narinig ko siyang tumawa. Naiirita ako sa tawa niya, at kung hindi lang ako nakatali ngayon ay buburahin ko ang labi niya para hindi na siya muling makatawa.
"Too bad, I'll tell you anyway."
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit ang aking mga mata.
"Alam mo bang noong una kitang makita, gusto kong ikaw ang maging reyna ko?" panimula niya na bahagyang pumukaw sa atensyon ko ngunit nanatili akong nakapikit
"Sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa loob ng maraming panahon, ikaw ang kaisa-isang may natatanging halimuyak na talaga namang kahali-halina." naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya napasinghap ako
"Handa akong ibigay sa'yo lahat ng bagay na iyong naisin. Nagawa ko pang patayin ang Sarrah na 'yon para lang sa iyo." natatawa niyang banggit na nagpamulat sa akin
Nilingon ko siya. "Anong dahilan at pinatay mo siya?" nagpupuyos ako sa galit ngayon matapos manumbalik sa isipan ko ang kalunos-lunos na sinapit ni Sarrah
He gave me a mischievous grin as he gently stroked my hair. "She hurt my supposedly wife, so I sent her to hell," he said as if it's the most normal thing for him.
"Hayop ka! Halimaw!" sigaw ko habang nanggigilid ang luha
Hindi ko inakala na sa ganoong kababaw na dahilan lang natapos ang buhay ni Sarrah. Sinaktan niya ako pero hindi ibig sabihin no'n ay ninais ko na siyang mamatay.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampirHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...