Chapter 11: First Victim
Knock! Knock! Knock!
Someone's knocking on my door. Naiirita talaga ako kapag ginagawa niya yan tuwing umaga. I love him but I hate him at the same time because he is so annoying.
"Hoy! Nini! Anong balak mo?!" singhal ni kuya sa likod ng nakasaradong pinto. He is always like this. Every single day.
I groaned. I hate my brother for being noisy early in the morning.
"Bumangon ka na! Naghanda na ako ng pagkain natin!" naramdaman ko ang pagbaba niya ng hagdanan. I guess I have to be there dahil kung hindi ay aakyat na naman siya at siguradong hihiyawan na naman niya ako.
Pahikab-hikab pa akong bumaba ng hagdanan. Napakusot ako sa aking mata dahil antok pa talaga ako. Nakita ko si Kuya na naghahanda ng plato at pagkain namin.
Ipinusod ko ang buhok ko at dumiretso sa hapag-kainan "Ang bango ng ulam ah!" masiglang banggit ko habang inaamoy-amoy ang adobong manok na nasa mangkok na mahahalatang kaluluto pa lamang dahil umuusok pa ito.
"Luto ko yata yan haha" buong pagmamalaki niya habang nakapamewang at nakataas ang baba. Napangiti lang ako saka umupo at nagsimulang kumain.
"Nini, wala ka bang ipapabili? Kukuha ako ng padala ni Tita mamaya e, baka may ipapasabay ka na" every first week of the month kasi ay nagpapadala si Tita Ana ng pera sa amin for allowance and for some stuffs na kakailanganin namin for the whole month. Si Tita na ang umako ng responsibilidad na pag-aalaga sa amin simula noong mamatay ang mga magulang namin. Kapatid siya ng nanay namin at wala din siyang anak kaya naman ibinubuhos niya ang pagmamahal sa aming dalawa ni Kuya. Nasa abroad siya for work and also, citizen na rin siya doon kaya ayos lang na magpabalik-balik siya. Umuuwi siya tuwing birthday namin at tuwing may special occassions like Christmas and death Anniversary ng parents namin. She insisted na kuhanin kami ni Kuya at sa U.S pag-aralin but we refused dahil para sa amin this is our home and we belong here kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan kami at suportahan.
"Nothing" maikling tugon ko bago magpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay naligo agad ako saka naghanda para sa pagpasok. Bihira kaming magkaroon ng pagkakataon na sabay pumasok ni Kuya dahil bukod sa schedule ay madalas ding nauuna siya sa pagpasok dahil marami siyang dapat asikasuhin, siya kasi ang President ng student council sa building nila at dahil doon ay kilala siya sa buong University, bonus pa na gwapo ang Kuya ko kaya habulin ng mga babae. Magkaiba ang pamunuan ng highschool at college kaya may dalawang council sa loob ng campus namin.
Magkasabay kami ngayon since wala naman daw siyang gagawin and nasa iisang compound lang naman kami kaya lang magkaiba kami ng building. Medyo malayo ang building ng college kaya hindi kami madalas magkita sa loob ng campus. Kahit nga tuwing breaktime ay hindi kami nagkikita dahil may sariling cafeteria ang college building at gaya ng sabi ko, magkaiba kami ng schedule kaya sa bahay lang talaga kami halos nagkikita. Malawak ang sakop ng University namin kaya naman medyo magkakalayo ang building and we also have fields para sa iba't-ibang sports kaya madalas kaming host sa tuwing may sports fest na gaganapin.
Malapit na kami sa gate ng school nang makasalubong namin si Priam na tumatakbo.
"Hey!" bati niya bago lumapit sa amin na humihingal pa.
"Maaga pa para magmadali" banggit ni Kuya dahil sa pagtakbo ni Priam.
"Nakita ko kasi kayo mula doon kanina kaya hinabol ko na kayo" napatango lang ako maging si Kuya.
"Paano? Mauna na ako. See you later!" paalam ni Kuya bago tumungo sa building nila
"Nareview mo ba yung lecture kahapon?" tanong ng kasama ko kaya naman napalingon ako sa kaniya
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...