Chapter 26

38 2 0
                                    

Chapter 26: From this day

Nagising ako dahil sa kakaibang amoy na nanunuot sa aking ilong. When I opened my eyes, my vision's still blurry but became clear afterwards. Hinanap ko kung saan nagmumula ang amoy na iyon hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang tray na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. May mangkok ito na naglalaman ng mainit na sopas.

"I'm glad you're awake" ngumiti siya sa akin bago ako alalayan sa pag-upo.

"What do you feel? Still uneasy huh?" umiling ako sa sinabi niya kaya naman nakahinga siya nang maluwag

"Kanina mo pa ba ako binabantayan?"

"Almost an hour, I guess" he simply shrugged.

"Here," inabot niya sa akin ang mangkok na may sopas na agad ko namang kinuha "... hindi ka pa kumakain kaya makakatulong 'yan sa sikmura mo."

Ilang minuto ko lang inubos ang laman ng mangkok na hindi alintana ang init nito dahil sa sobrang gutom habang itong kaharap ko ay mukhang nasisiyahan sa nasasaksihan niya.

"What?" pagtataray ko kaya pinigil niya ang sarili sa pagtawa

"N-nothing hehe" napakamot pa siya sa kaniyang batok bago umiwas ng tingin. Pagtawanan ba naman ako habang kumakain, tsk!

Matapos kumain ay agad niya akong inabutan ng isang basong tubig na inisang lagukan ko lang. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa pagkabusog plus masarap pa ang kinain ko kaya talagang masayang masaya ang lola niyo!

"Nagustuhan mo? Uhm, well hindi ko na pala dapat itanong 'yon dahil sa nakikita ko alam ko namang nasarapan ka sa luto ko." napaismid ako sa sinabi niya

"Aba't ang yabang mo naman yata? Gutom lang ako kaya gano'n, tsk" itinuon ko sa iba ang tingin ko dahil masarap naman talaga ang luto niya "... masarap daw? Asa ka pa" pabulong na dagdag ko pero narinig ko lang siyang tumawa.

"Okay then, hindi ko na ipipilit na masarap ang luto ko pero alam mo kung anong mas masarap?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya "Ano?"

Ngumisi siya kaya mas nagtaka ako "Walang iba kung hindi ako" he then winked and I was like, 'eww! That was gross!'

Natawa siya sa naging reaksyon ko at halos mamatay na siya kakatawa. Nakakainis talaga itong kutong lupa na ito!

"Yung mukha mo hindi maipinta parang diring diri ka sa sinabi ko ah."

"Hindi lang basta diring diri kung hindi diring diring diring diri, yuckkkkk!" umakto pa akong nasusuka kaya inismiran niya ako

He suddenly stopped from laughing and turned dead serious "Grabe ka naman sa akin! Hindi ka ba naniniwala na masarap ako? Na masarap yung kaibigan mo?"

I rolled my eyes, "Of course."

"Gano'n pala, why don't you try me then?" bigla ko siyang nilingon "Bakit hindi mo ako tikman para malaman mo?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya

"Tang- siraulo ka ba?"

After those words, he burst out laughing. He's laughing with all his heart and lungs kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na balibagin siya ng unan sa mukha.

"Aww!" sandali siyang huminto sa pagtawa pero nagpatuloy muli. Mabilaukan ka sana kahit wala kang kinakain!

"I really love your reaction! That's a bop!"

I turned dead serious but he's just ignoring it. This little shit here needs some punch straight to his face.

"Parang ang sarap pumatay ng apo ng mangkukulam."

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon