Chapter 24: Untold Stories (1)
-Histories-
Nature-colored eyes are blinking in front of us. It's like those plants that is well watered everyday and has enough sunlight, vibrant green.
"Magpahinga na muna kayo, bukas na lang tayo mag-usap" tumalikod na siya at akmang aalis. Hahabulin ko sana siya para magtanong pero pinigilan ako ni Priam
"Alam kong may tanong ka na agad" nilingon ko siya "But you should keep it first. Bukas mo na lang siya tanungin" tumango ako. I have lots of questions and sana masagot niya lahat dahil hindi ako matatahimik.
I woke up around seven in the morning. Hindi ko na nadatnan si Priam sa kwarto. Dalawa kasi ang kama rito kaya nagtig-isa kami. Bumangon ako at lumabas. Pinagmasdan ko ang buong pasilyo na kagabi ay hindi ko nakita ang kagandahan. Different paintings are hanging around the hallway. May painting ng mga batang naglalaro, iba't-ibang klase ng bulaklak at marami pang iba pero may namumukod tanging painting ang pumukaw sa aking atensyon. Matatagpuan ito sa dulong bahagi kaya naman naglakad ako palapit doon. Isang portrait ng dalawang tao; isang babae at lalaki na nakaupo sa isang bench sa hardin at magkahawak ang kamay. Kapwa kakikitaan ng kasiyahan ang kanilang mga mukha.
"They are my grandparents" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Priam sa gilid ko. Kung lagi siyang ganiyan, I'll surely have a heart attack sooner or later. Parehas sila ni Scott na lagi na lang sumusulpot sa kung saan.
Pinagmasdan kong muli ang portrait at doon ko lang napagtanto na si lola Herminia pala ang nasa painting.
"Kung sila nga 'yan, bakit parang wala naman ang lolo mo rito sa bahay?" kunot noong tanong ko. Napabuntong hininga siya bago magsalita.
"He's gone. Pinatay siya"
My eyes widened "Pinatay? Sinong pumatay sa kaniya?" humarap siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya
"Ano hindi sino"
"A-ano? Kung gano'n- " I gasped with the sudden realization.
"Tama ka, bampira ang pumatay sa kaniya" ang lungkot na nasa mga mata niya ay napalitan ng matinding galit.
Muli kong itinuon ang tingin sa painting "You must be very close with your grandparents" I commented. Kitang-kita sa kaniya na sobra siyang nasasaktan kaya I assumed na masyado silang close.
"Yeah. I grew up with them. When my parents decided to work abroad when I was five, sila lola na ang nag-alaga sa akin."
"I was ten that time noong pinatay siya and that was nine years ago... before mamatay ang parents mo" napalingon ako sa kaniya. Does my parents have something to do with this?
Nilingon niya rin ako "I know that you're thinking if your parents were involve with this, right?"
I nodded "May alam ka ba?"
He shrugged and gently patted my head.
"May kaunti akong alam pero I think it won't help so I suggest na bumaba muna tayo para kumain then kausapin na lang natin si lola, I'm sure mas marami siyang masasagot" nagpatiuna na siya sa pagbaba. Nagpaiwan ako sandali para ihanda ang sarili ko. This is it! Malalaman ko na ang mga bagay na dapat kong malaman.
Habang kumakain ay pilit kong iniisip kung paano o saan ako magsisimula sa pagtatanong. Should I start with my parents or with me first?
"Alam kong may mga katanungan ka" gulat akong napatingin sa kaniya "Magtanong ka ng mga bagay na gusto mong malaman at sisikapin kong sagutan" matimi siyang ngumiti. Bumuntong hininga ako bago magsimula.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...