Chapter 7: Encounter
"Hindi ako makapaniwala na ganoon ang ugali niya" dismayadong banggit niya habang nakatingin sa kawalan. He seems really disappointed with that girl's attitude.
"Dahil ginawa niya yon sa taong importante sa akin auto-uncrush na siya at ayoko na siyang katabi" dagdag pa niya na nagpahinto sa akin. Gusto kong matawa sa sinabi niya. He's so cute.
"Bakit ka huminto?" nagtataka niyang tanong
"Ahm... wala may naisip lang" tanging sagot ko. I've never expected na importante na pala ako sa kanya kahit na hindi kami ganoon katagal na magkakilala.
Malapit na kami sa classroom nang may marinig kaming usapan "Grabe yung nangyari dun sa babae hano?" may kung ano sa usapan na yon na nagpakaba sa akin. Why does this conversation bothers me?
"Kaya nga eh. Balita ko may mga kalmot daw sa buong katawan saka may kagat sa leeg parang mabangis na hayop daw ang may gawa. Nakakatakot" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Huwag naman sana yung iniisip ko. Hindi pwede.
Wala ako sa sarili habang nasa classroom. Hindi ko alam kung bakit iba yung pakiramdam ko nung marinig ko ang mga salitang yun. Hindi kaya nagbalik na sila? Huwag naman sana.
"Huy!" kasabay nito ang malakas na tapik sa aking braso kaya naman sinamaan ko siya ng tingin
"Kanina ka pa wala sa sarili mo ah may problema ba?" umiling lang ako sa kaniya bilang sagot.
"Kung wala eh bakit hindi ka makausap ng maayos?" pang uusisa niya kaya tinalikuran ko na lang siya at iniharap ang mukha sa bintana. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon.
"Aba! Ganda ka pala ghOrl eh!" napangiti ako sa sinabi niya at napailing. He always made my day kahit na gaano kasama ang mood ko.
Dumating na si Mr. Maniquiz kaya naman natahimik na ang buong classroom. This is what I've always wanted, a peaceful surrounding, a peaceful life pero hindi yung klase ha.
"Good morning, class" malumanay na pagbati nito dahil sa katandaan, isang taon na lang kasi ay magreretiro na rin ito sa pagtuturo.
Nanatili lang na tahimik ang lahat. Walang bumati sa kanya pabalik katulad ng palagi nilang ginawa, napukaw lamang ang katahimikan ng may biglang pumasok.
"Who's this ugly ogre infront?" maarte nitong banggit na nagpatawa sa buong klase kaya napatingin ako sa direksyon niya. Where's her manners? Naiwan niya ba sa bahay nila kasama ng utak niya?
"Ms. Latime, is that the way how you greet your teacher?" mahinahong pagtatanong ng matanda. Napakabait na guro.
"Ahh... you're a teacher?" wala kasi kaming History kahapon kaya hindi pa siya nakita ng babae na ito. Hindi tanong ang dating nito kung hindi parang isang panghahamak. Nanatili lamang na tahimik ang matanda at parang handang tanggapin ang susunod na sasabihin sa kanya.
"Great! Bakit pinapayagan ka pang magturo eh hindi ba dapat nasa 'Home for the Aged' ka na?" muli na namang nagtawanan ang buong klase maliban sa amin ni Priam dahil kahit na nakakaboring magturo ang matandang iyan, guro pa rin siya at estudyante niya kami so dapat yung respeto nadoon pa rin.
Hindi na nagsalita ang matanda at itinuon na lamang ang atensyon sa mga papel na nilipad ng hangin. Nilipad ito sa gawi ni Sarrah ngunit sa halip na pulutin ay tinapakan niya pa ito.
Napatayo ako kasabay ang paghampas sa lamesa kaya naman lahat ng atensyon nila ay natuon sa akin.
"Anak ka pa naman ng principal pero ganyan ang ugali mo?" seryoso kong banggit habang nakatingin sa kanya
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...