Chapter 34

10 0 0
                                    

Chapter 34: Why?

Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid na halos nakabibingi. Tumindig ang mga balahibo ko sa hindi malamang dahilan. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Napatayo ako matapos makarinig nang kakaibang kaluskos. Pumagaspas ang mga dahon sa puno at lumamig din ang hangin.

"I've been waiting for this moment to come..." he whispered all the way to my soul.

"Why don't you step outside the barrier so that you could put everything to an end?" his voice echoed on this whole forest

"Natatakot ka ba, Niana?" mukhang nararamdaman niya ang takot na nabubuo sa loob ko

"Ikaw ang babae sa propesiya kaya bakit ka matatakot?" nanunuya ang kaniyang boses na kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha, ay alam kong nakangiti siya

"Hindi ito matatapos kung hindi mo tatapusin, Niana. Ayaw mo bang ipaghiganti ang mga magulang mo?"

Napakuyom ang kamao ko matapos marinig ang sinabi niya. Narinig ko siyang tumawa kaya naman nilingon ko ang pinagmulan nito. Nakita ko siyang nakaupo sa sanga ng isang puno habang nakasandal at kumakain ng mansanas.

It's obvious that he is provoking me to step outside the barrier, and it's working so damn well! It made me want to cut his throat and end his life immediately.

"Huwag kang makinig sa kaniya, Niana gusto niya lang na lumabas ka." alalang banggit ni Priam kaya napabuntong hininga ako

Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong hindi ko pa kaya si Calix sa mga oras na ito lalo na at bilog ang buwan.

He laughed. "Do you want to hear what your parents last words were?"

I was stunned at that very moment. Anong alam niya? Siya ba ang pumatay sa mga magulang ko?

"He's just putting a bait for you, Niana. Don't get caught." I heard Priam mumbled.

Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil may posibilidad na siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang namin.

"I was there because... I killed them both."

Calix looked at me. His lips formed a mischievous smile. Tears scaped from my eyes, and my hands were shaking so bad hearing those words coming from his mouth.

He suddenly started laughing as he saw how angry I've been feeling right now.

"Huwag n'yong idamay ang mga anak namin, pakiusap. Wala silang kinalaman. Nakikiusap ako sa inyo, huwag n'yo silang idamay."

Napatakip ako ng tenga dahil hindi ko gustong marinig ang mga salitang iyon. Parang dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit.

"Those were the exact same words that they uttered before I grabbed their hearts and crushed them into pieces."

"Stop! Tama na!" I burst out in tears as I recalled those moments.

I was there, I was awake. Nakita ko at narinig ko kung paano nagmakaawa ang mga magulang namin para sa buhay namin ng kuya ko. And those were the exact real words that our Mom said before I lose consciousness that night.

Priam held my hand. "Look, don't listen to him he just wants to mess with your mind."

Saglit kong tinapunan ng tingin si Priam. Nagmamakaawa ang kaniyang mukha na huwag ko nang pansinin ang mga sinasabi ni Calix. But I just can't. Hindi ko kayang hayaan lang ang bagay na katulad nito. This made my life and my brother's life a living hell. Growing up without our parents' guidance burdened us so much. Not having them on special occasions and important life events pained me so hard that their deaths still linger up to this day. Living without them while remembering their demise was an absolute nightmare for us, especially for me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon