Chapter 16

44 2 0
                                    

Chapter 16: First Fight

It's been a week since nung nangyari ang pagpatay kay Sarrah. Isang linggo na pero yung sakit nandito pa rin. Yung mukha niya na humihingi ng tulong ay madalas kong mapanaginipan tuwing gabi. Yung butas sa dibdib niya at ang pagkawala ng puso niya, lagi ko pa ring naiisip.

Naipilig ko ang aking ulo dahil sa mga bumabagabag sa akin. Kalimutan mo na yun. Magfocus ka sa pag-aaral. Itinuon ko ang aking pansin sa guro na kapapasok lamang. I should not let anything to bother me.

"Goodmorning class! We'll be having a short quiz before we start a new lesson. Get your quiz papers now" hindi magkamayaw sa pagkuha ng papel ang mga kaklase ko. Mrs. Villanueva is known for her surprise quizzes kaya marami rin ang nagrereklamo dahil hindi raw sila nakapagreview or something. But because she's a teacher, nobody can question her. Nagrereklamo sila sa mga isip nila at pagkatapos ng klase ay saka sila maglalabas ng sama ng loob. And this is a real student classroom.

Matapos naming magquiz ay lumipat na kami sa panibagong aralin. Tahimik lang akong nakikinig pero wala pa rin sa lesson ang isipan ko. Lutang ako ngayong araw at sa sobrang pre-occupied ng isip ko ay hindi ko namalayan na wala si Priam. Saan kaya nagpunta 'yon? Absent? Hala! Wala rin pala si Scott sa harapan ko. Saan pumunta ang dalawa na 'yon? Bahala na nga sila.

Natapos ang unang klase kaya papunta kami ngayon sa locker room para magpalit ng damit para sa P.E. namin ngayong araw. Isinuot ko ang gray jogging pants ko pati ang puting t-shirt saka ko itinali ang aking buhok. Lumabas ako sa C.R. at iniligay sa locker ang school uniform ko. Papunta kami ngayon sa soccer field para isagawa ang physical training namin. Paniguradong sasakit na naman ang katawan ko nito at kakailanganin ko ng mahabang tulog.

Pumito ng tatlong beses si Mr. Salazar; P.E teacher namin, kaya naman lahat kami ay nagtungo sa pinaka-sentro kung saan siya nakatayo. Sinenyasan niya kaming maupo na agad naming ginawa.

"Good morning class!" panimulang bati niya "For todays activity, maghahanap tayo." matapos niyang banggitin iyon ay nagkaroon ng maraming bulungan. Maghahanap? What?

Napapitlag ako dahil sa dalawang lalaking biglang tumabi sa akin. Hingal na hingal sila at tagaktak din ang pawis nila. Saan sila galing?

"Hey! Where did you go?!" mahinang singhal ko kay Priam na ngayon ay nagpupunas pa ng kaniyang pawis.

"Late ako nagising, sorry" tugon niya saka itinuon ang pansin sa guro kaya napatango na lamang ako.

"Did I missed something?" tanong niya habang hindi tumitingin sa akin.

"Nope. Kakaumpisa pa lang" maiksing tugon ko bago tumingin sa isa ko pang katabi. Nagpupunas din siya ng pawis hanggang sa dumapo ang tingin ko sa leeg niya. May dalawang maliit na kalmot ito. Magtatanong sana ako nang biglang magsalita ang guro namin kaya napalingon ako sa kaniya.

"As I've said maghahanap tayo" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Sir!" nagtaas ng kamay ang isa sa kaklase kong babae "Ano pong maghahanap? Can you please elaborate more?" kunot noong tanong niya na nagpangiti sa aming guro.

"Ms. Mendoza, what I mean sa maghahanap tayo ay maghahanap talaga tayo. May mga nakatagong stickers dito sa lugar like this" ipinakita niya ang isang kulay orange na sticker na may green na feather sa gitna.

"Maraming ganitong stickers ang nakakalat sa buong building..." pagkasabi niya ng salitang building ay nagkaroon muli ng mga bulungan at mga reklamo. Seriously? Buong building? Nahihibang na yata siya. Pwede namang dito na lang sa field tutal malawak naman ito.

"Kailangan ninyong makakuha ng stickers as many as you can. Each sticker has a corresponding point" naglabas pa siya ng tatlo pang stickers na iba-ibang kulay "Orange has 2 points, blue has 3 points, yellow has 4 points and gray for 10 points. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganoon ang puntos para sa gray sticker, it is because this sticker is limited. Tatlo lamang ang sticker na ganito sa buong building at...hindi basta-basta ito nakukuha. Nasa mga pinaka-hindi ninyo inaasahang lugar ito matatagpuan so make sure na magagalugad ninyo ang bawat sulok ng building natin. Sinabi kong limited ito dahil sa oras na makakuha kayo ng isa ay hindi niyo na kailangang magtake ng exam sa subject ko." lumakas ang mga bulungan. I need to find one dahil malaking kabawasan ito sa mga dapat kong i-review kapag nagkataon. Isa ang P.E sa pinakamahirap na exam sa tuwing quarters kaya kailangan ko talagang makakuha ng isa.

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon