Chapter 24: Untold Stories (2)
-Surprise-
Sa kaiisip at kahihintay kay lola Herminia, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. Napamulat ako nang maramdaman na may umupo sa gawing paanan ko.
"Sorry. Nagising ba kita?" tanong ni Priam. Umiling ako saka dahan-dahang bumangon. My eyes move towards the grandfather clock standing near the staircase. Six-thirty.
"Wala pa siya? Gabi na ah"
"Pauwi na rin 'yon hintayin na lang natin" tumango ako. Iyon na nga ang ginagawa ko kanina pa eh hanggang sa nakatulog na ako, tsk.
"Tara sa labas may ipapakita ako sa'yo" nauna siyang maglakad palabas kaya sinundan ko siya. Umupo siya sa isang malaking bato bago tumingala. Maaliwalas ang kalangitan ngunit wala pa ang buwan at kaunti pa lang ang mga bituin.
Tumabi ako sa kaniya at pinagmasdan din ang langit.
"Alam mo bang sa tuwing nalulungkot ako dati, kay lolo ako lumalapit. Sa loob ng limang taon na nakasama ko siya sobra talaga kaming naging malapit sa isa't-isa. Naalala ko nga noon na kapag may laruan akong nagustuhan na ayaw ibili sa akin ni lola, si lolo ang bumibili para sa akin kaya nga lagi silang nagtatalo pagdating sa mga bagay na ganoon. Masasabi kong masyado akong spoiled sa kaniya," bahagya siyang natawa pero ito yung klase ng tawa na may halong pangungulila.
"Whenever there are bullies in my past school, sinasabi ko agad kay lolo at siya ang kumakausap sa kanila. I was weak and fragile before but lolo became my shield. He's always there when I needed him the most. Kay lola ko ikinikwento ang mga magagandang nangyari sa akin sa buong maghapon pero kay lolo ko sinasabi lahat ng masasama kasi ayaw naming pinag-aalala si lola. Unti-unti kong nabuo ang sarili ko dahil sa kanilang dalawa pero noong nawala siya pakiramdam ko may nawala ring parte sa akin na kahit kailan ay hindi na mapupunuan," nararamdaman ko na sobrang lungkot niya lalo na at nauungkat na namang muli ang tungkol sa lolo niya. Naiintidihan ko siya dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.
"Look!" biglang banggit niya sabay turo sa kanang bahagi ko. Lumingon ako sa tinutukoy niya at doon ko nakita na lumalabas na ang buwan.
"Ang sabi sa akin ni lolo kung sakaling hindi ko siya mahanap o wala siya sa tabi ko sa tuwing nalulungkot ako at kailangan ko ng mapagsasabihan ng mga problema, hanapin ko raw ang buwan. Kahit daw malayo ang buwan ay lagi siyang handang makinig sa'yo at hinding-hindi ka huhusgahan. Mapagkakatiwalaan mo raw siya dahil wala siyang pagsasabihan na kahit sino at tanging sa inyong dalawa lang ang lahat ng hinanakit mo..."
Pinagmasdan kong mabuti ang buwan. May kalakihan na ito at sobrang liwanag. It's not on its peak yet dahil bukas pa ang kabilugan pero kita na ang pagkabilog nito na tila ba ipinapakita niya sa mundo kung gaano siya kaperpekto. I used to tell everything to the moon when I got no one to hear my dramas. I cried, laughed and even get angry in front of him dahil alam kong hahayaan niya lang akong ilabas ang nararamdaman ko. I really love how the moon can make me feel comfortable and safe.
"You know what Niana? I really love the moon for listening to my non-stop stories every night. Do you feel the same?" nilingon ko siya at bahagyang tumango
"Moon is the only one I have when I have none"
He smiled before getting something on his pocket. May inilabas siyang isang bagay na hindi ko masyadong ma-recognize not until he hold my hand. Isinuot niya ito sa kamay ko papunta sa aking pala-pulsuhan. It's a bracelet with a half-moon as its pendant.
"I love the moon," binitawan niya ang kamay ko "...and now I'm staring at her."
His eyes met mine. Nakatitig lang siya akin na parang kinakausap niya ako sa pamamagitan lamang non. Sinabayan ko lang ang mga titig niya pero nauna na siyang mag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...