Chapter 9: The News
Nagising ako sa infirmary ng school na medyo masakit pa ang ulo. Dahan-dahan akong bumangon dahil nandito sa tabi ko ang nakadukdok at halatang natutulog na si Priam.
Naramdaman niya ang pagbangon ko kaya nag-angat siya ng ulo "Gising ka na pala" kasunod nito ay ang paghikab niya at bahagyang pag-iinat "Kanina ka pa ba gising? May masakit pa ba sa iyo?" bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Bahagya akong ngumiti bago magsalita "Ayos na ako. Mas mabuti na ang pakiramdam ko kaysa kanina. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero kaya naman."
Tumayo siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko saka bahagyang ginulo ang buhok ko "Sabi ng nurse gutom lang daw yun at saka pagod. Lalabas muna ako para bumili ng pagkain. Sabi ko naman sa iyo kumain ka na eh ang tigas kasi ng ulo mo" napapailing siya habang nagsasalita.
"Kanina mo pa ako binabantayan?" napangiti siya sa tanong ko
"Halos dalawang oras ka nang tulog buti na nga lang at wala akong klase kaya nabantayan kita dito" tuwing Wednesday kasi dalawang oras lang ang klase niya sa umaga kaya may bakante siya dahil sa hapon na ulit ang resume niya.
Binukas niya ang pintuan para lumabas pero huminto siya at muling lumingon "Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa nurse ha, bibili lang muna ko ng pagkain kasi yung dala ko sa iyo kanina nakain ko na rin ang tagal mo kasing magising" napakamot siya sa kaniyang batok.
Ngumiti lang ako bago siya lumabas. Bigla kong naalala yung lalaki sa labas kanina bago sumakit ng todo yung ulo ko. Sino kaya siya? At anong ginagawa niya rito?
Humiga ulit ako at muling ipinikit ang aking mata nang maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan kaya naman napamulat ako at napalingon dito sa pag- aakalang nakabalik na si Priam.
"Ang bilis mo namang-" natigilan ako dahil napansin kong hindi ito si Priam "Sino po kayo? Ibang kwarto po ang pinasukan ninyo" marami kasing kwarto sa infirmary kaya baka nagkamali lang itong lalaki.
Gumawi siya sa bandang paanan at umupo sa isang monoblock at sumandal sa pader "Kuya, sino po kayo?" medyo nagpapanic na tanong ko ngunit nanatili lamang itong nakayuko.
Napansin ko ang suot niyang jeans at black hoodie jacket. Siya yung lalaki sa labas ng room kanina. Yung lalaking nakatitig sa akin bago sumakit yung ulo ko.
"Ikaw yung lalaki kanina hindi ba?" kahit pa nakayuko ito ay nakita ko ang pagguhit ng kakaibang ngiti sa kanyang labi "Anong ginagawa mo dito?" napakapit ako nang mahigpit sa kumot na nasa hita ko.
"Gusto ko lang makita ang prinsesa ko" may kakaiba sa boses niya na nakapag dulot sa akin ng kaba. Malalim at medyo husky ito na para bang galing pa sa ilalim ng lupa. Wala kang mababakas na emosyon sa tono niya.
"Sinong prinsesa? S-saka anong g-ginagawa mo sa kwarto ko?" I stuttered
Sa halip na sumagot ay dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at itinuro ako gamit ang kaniyang hintuturo na siya namang nagpataas ng aking mga balahibo.
"S-sino ka ba?! A-anong kailangan mo sa akin?!" napahiyaw ako dahil sa takot kaya naman bahagya siyang natawa. Yung tawa na hindi mo na ulit gugustuhing marinig. Tawa na makakaramdam ka ng kaba.
Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa akin kaya naman napaatras ako sa aking higaan. Huminto ito sa mismong paanan ko at humawak sa kama "Kahit nandito na ang kapatid ko ay hindi ko pa rin kasi magawang maging komportable kaya naman tiningnan na kita. Akala ko kasi tinatakasan na naman niya ako eh" nakayuko pa rin ito habang nagsasalita. Sinong kapatid ang tinutukoy niya? At bakit niya ako pinuntahan?
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...