Chapter 31: Abduction
Matapos marinig ang malakas na pagsabog ay nagtatakbo kami ni Priam papunta sa pinanggalingan nito. May kutob ako na maaaring nasa panganib si Scott.
Napahinto kami sa pagtakbo nang makita ang sitwasyon ng paligid. Nakatumba ang mga puno at may malaking hukay sa lupa. Nagkalat ang mga katawan ng mga taong nakasuot ng purong itim. Bampira ang mga ito base sa nakikita kong haba ng kuko nila at mga pangil. Hindi sila naglaho dahil hindi sila ginamitan ng pilak, sa halip ay dinukot ang mga puso nila. Sino naman kaya ang gagawa nito?
"Mukhang kailangan na nating makalayo rito" banggit ni Priam nang mausisa ang kabuuan ng lugar.
"Pero nawawala si Scott, kailangan natin siyang hanapin." umaakyat na ang kaba sa dibdib ko habang patagal nang patagal na hindi namin siya nakikita
"He can handle himself. He's the most capable among the three of us kaya umalis na tayo rito." pagpupumilit niya bago ako hawakan sa braso at hilahin palayo
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa namin nang magsilabasan ang mga nilalang na nakaitim. Kitang-kita ang kanilang matatalas na mga pangil at mga kukong marahil ay marami ng buhay na winakasan.
Mahigit sa sampu ang bilang nila at hinaharangan nila ang daanan. Hindi ko alam kung kakayanin namin silang lahat ni Priam ngunit hindi kami maaaring sumuko at panghinaan ng loob.
"Dito ka lang sa likod ko, Niana. Akong bahala sa kanila gagawa ako ng daan para makatakas ka." ihinarang niya ang kaliwang braso niya sa akin
"You don't have to do this, Priam I can fight for myself." may diin na banggit ko kaya bahagya siyang napalingon sa akin at bumuntong hininga
"I have to keep you safe; that's what I promised you before. I want to keep you safe because I can't afford to lose you, Niana."
"This war is mine, Priam. This battle belongs to me bago pa man ako ipanganak dahil nakatakda na itong mangyari. Baliktarin man natin ang mundo, ito na ang nakatadhana. Kailangan kong lumaban para sa kaligtasan ng lahat ng mahal ko sa buhay. It's either I kill them or they kill me, there's nothing in between. But I won't choose the latter so, better let me point my gun and hold my dagger to end this fucking chaos." mababakas sa boses ko ang determinasyon na tapusin na ang kaguluhang ito
Pagod na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na nais na may inosenteng mga tao na naman ang madamay dahil sa kademonyohan ng mga halimaw na iyon. Sapat na ang buhay ng mga magulang ko at ng iba pang pinaslang nila nang walang laban. Tama na!
Dumaan ang matinding takot sa mga mata ni Priam ngunit nanatili siyang tahimik.
"Please, Priam let me fight for myself." I begged as he left a deep sigh
Tumango ito. "Tama ka, laban mo nga ito at nandito ako para lumaban kasama mo. Just promise me one thing... be safe."
Ngumiti ako saka marahang tumango. "Let's keep each other safe."
"Kill as many as you can. Ako nang bahala sa harapan at ikaw naman sa likod. I'll make a path for you." mabilis kong sinang-ayunan ang sinabi niya
Nagtipon-tipon ang mga nakaitim at gumawa sila ng bilog upang palibutan kami. Sa totoo lang, natatakot ako dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito ngunit hindi ito ang tamang oras para ipakita ang takot ko. I have to fight harder if I want to end this catastrophe.
"Ilang minuto na lamang at magiging bilog na ang buwan," banggit ng isang lalaki na para bang nagmula sa ilalim ng lupa
"Kailangan ka naming dalhin sa pinuno upang ialay ang iyong dugo, at magiging pang habang buhay na ang aming lahi." dagdag nito kasunod ang halakhak na halos ikabingi ko na
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...