Chapter 21: Turned Red?
I woke up feeling dizzy and having a mild headache. Wala si Scott dito sa loob ng tent kaya naman kahit nahihirapan ay pinilit kong lumabas. Palabas na ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.
"S-Scott" utal kong banggit sa pangalan niya bago bahagyang umatras para bigyan siya ng daan.
"Gising ka na pala. I've brought you something to eat. Halika" pumasok siya saka ako marahang hinila sa isang gilid.
"Tulog pa yung iba kaya nagpuslit muna ako ng pagkain" bahagya siyang napakamot sa kaniyang batok. So cute.
"Kumain ka na" iniabot niya sa akin ang plato na may lamang kanin at ulam na agad ko namang tinanggap dahil sa gutom.
"Salamat" ngumiti ako sa kaniya bago lantakan ang mga dala niya. Grabe gutom na gutom ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko isang buong araw akong hindi nakakain dahil parang walang laman ang sikmura ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya habang pinapanood akong kumain. I felt uneasiness because of his stares. Hindi ako sanay na may nanonood sa akin habang kumakain.
"M-medyo nahihilo ako at sumasakit ang ulo pero ayos na ako" tugon ko saka bahagyang umiwas sa kaniya.
"Ikaw ba? Hindi ka ba kakain?" umiling siya at umusog palapit sa akin
"I'm already full in just a glimpse of you" parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko kaagad nalunok ang kinakain ko. Damn it! Ang hilig talagang bumanat ng isang 'to.
"A-ahm...a-ano nga palang nangyari kagabi pagkatapos kong mawalan ng malay?" I tried to divert his attention dahil masyado akong nalulunod sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya.
Nagkibit-balikat siya "Inalagaan lang kita" diretsong banggit niya habang nakatingin sa akin. Ano ba Scott?! Bakit mo ba ako ginaganito?! Pakiramdam ko nag-iinit na ang buong mukha ko.
"I-I saw a distorted image na nilapitan mo kagabi bago ako mahimatay. A-ano yun?" kumuha ako ng lakas ng loob para tingnan siya pero umiwas naman siya ng tingin
"Wala lang 'yon. Dala lang siguro 'yon ng pagkahilo mo" tugon niya kaya tumango na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
"Kumain ka lang diyan ha? Kukuha lang ako ng inumin" ngumiti siya bago lumabas sa tent namin. I think he's hiding something.
Isang oras ang lumipas bago nagising ang lahat. Naging maayos na rin naman ang pakiramdam ko kaya sumali na ako sa mga activities ngayong araw. We do lots of activities today. Hide and seek, tug-of-war, and many more. Pagabi na at ito na ang huling activity namin para sa araw na ito. Paint ball fight. Pero hindi ito yung typical na barilan lang, may kaugnayan ito sa arrangement ng mga tents namin. Kaya pala gulo-gulo ang pagkakasunod-sunod nito ay dahil gagamitin ito sa laro. You and your partner can shoot whoever you want pero ang main goal ninyo ay matamaan kung sino at anong number ang tent na katabi niyo. For example, 17 ang number ng katabi naming tent that means, sila ang main target namin at ganoon din sila sa amin. One point sa kahit sinong matatamaan n'yo at three points naman para sa main target.
May mga stickers na nakalagay sa harap at likod ng mga damit namin. Nakasulat dito ang tent number namin para mas madali kaming ma-recognize. We also have different colors of paint bullets para walang magiging dayaan or angkinan. Kami ni Scott ay mayroong red bullets at kami lang ang pwedeng umangkin sa kulay na 'yon. If ever na may matamaan kami, madali naming malalaman since we are all wearing white shirts. May mga head gear at face shields kami para protektahan ang ulo namin at mukha dahil tiyak na may mangyayaring hindi maganda kung tatamaan kami sa mga parteng iyon.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...