Chapter 3: My Protector
Isang magandang umaga na naman ang sumapit sana gano'n din kaganda ang mangyari. Akalain nyo 'yon, nakaalpas ako ng isang linggo wuhh! Ang galing haha, first time in forever, usually kasi may araw akong umaabsent sa first week ng klase tinatamaan ako ng sakit eh yung tinatawag na katamaran.
"Nini!" muling sigaw ni kuya sa ika-8 pagkakataon kaya napatakip ako ng unan sa aking mukha
"May naghahanap sa 'yo bilisan mo!" sambit niya bago maramdaman ang kaniyang pagbaba sa hagdan
Napabalikwas ako mula sa aking kinahihigaan. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?
Nag ayos ako ng sarili bago bumaba at tingnan kung sino 'yon. Sino nga kayang hahanap sakin eh Sabado ngayon? Wala namang pasok. Isa pa wala naman-
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Ano namang ginagawa ng siraulo na 'to sa bahay nang ganitong oras?
"Hi Niana" bati niya ng may ngiti ngunit tinanguan ko lang siya.
"Bilisan mo nang kumilos Nini may pupuntahan pala kayo" banggit ni kuya bago ako hilahin papunta sa lamesa kung saan nakahain na ang pagkain pero hinila ko pabalik ang aking braso kaya napatingin siya sa akin.
"Bakit?" maikli niyang tanong
"Sabi mo may pupuntahan kami? Bakit hindi ko alam?" kunot noong tanong ko kaya biglang sumabat si Priam.
"Maglilibot lang tayo" singit niya kaya naman napailing ako.
"Ayoko" maikling sambit ko na nagpasimangot sa kaniya.
"Ipapasyal lang kita, ay mali! Ako pala ang ipapasyal mo" napairap ako dahil sa sinabi niya. Pwede namang si kuya ang magpasyal sa kaniya o kaya yung pinsan niya bakit ba ako pa?
Magsasalita sana ako nang biglang pigain ni kuya ang braso ko saka sumenyas na pumayag na lang ako kaya naman napabuntong hininga ako bago magsalita.
"Fine. Sige ipapasyal kita" sambit ko bago dumiretso sa lamesa upang kumain.
-
Pagkatapos kong kumain ay gumayak muna ako saka nag ayos ng sarili bago kami umalis. Excited 'tong siraulo na 'to, siguro may binabalak 'tong mokong na ito kaya ako ang napiling isama.
"Wala akong balak na masama, okay? Kaya pwede kumalma ka" natatawang banggit niya kaya napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman 'yon?
"Siguro nagtataka ka kung paano ko nalaman 'no? Simple lang, kanina mo pa kasi nginangatngat 'yang kuko mo so ibig sabihin nababalisa ka at alam ko 'yang tumatakbo sa utak mo" paliwanag niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko talaga mind reader siya kasi kung totoo 'yon baka narinig na niya sa utak ko na sinasabihan ko siyang gwapo at cute hayst nakakahiya 'yon.
"Hahaha" luh? Natawa? Bakit?
"Problema mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kaya muli na naman siyang tumawa nang mas malakas
"Kasi naman inistress mo 'yang sarili mo sa kakaisip kung mind reader ba ako. For your information, hindi ko nababasa yung iniisip mo sadyang alam ko lang yung takbo" napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hay nako bakit ba tama na naman siya?!
"So saan mo gustong pumunta?" pag iiba ko sa usapan
"Ewan ko ikaw ang tourguide dito 'di ba? So why are you asking me?" nakataas ang kilay na tugon niya
"I mean baka may nasabi sayo yung pinsan mo o yung tita mo na lugar dito na pwede mong puntahan. Tsk" sambit ko bago umirap at ituon ang tingin sa daanan
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampirosHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...