Chapter 8

50 3 0
                                    

Chapter 8: Transferee

Halos dalawang buwan na rin simula nang mangyari na may nakaharap akong isa sa kanila noong gabi na 'yon. Hindi pa rin iyon maalis sa isipan ko hanggang ngayon. Naaalala ko pa rin 'yon sa tuwing umuuwi ako ng gabi galing sa evening classes namin. Pero hindi na ako masyadong nangangamba dahil hinahatid ako ni Priam pauwi kaya kahit paano ay alam kong ligtas ako.

Dalawang buwan na pala akong nag-aaral at nagkaroon ng himala ngayong taon dahil bahagya akong sinipag. Wala pa akong absent these past few months so I guess that's an achievement for me. Big achievement to be exact! I might congratulate myself for that.

"Kuya! Papasok na ako!" paalam ko kay kuya habang nasa taas siya

"Kumain ka na ba?!" sigaw nito pabalik habang ramdam ang pagkaaligaga niya sa paggayak.

"Oo" kahit hindi naman talaga kasi wala akong gana.

"Sige mag-iingat ka!"

Malapit na ako sa gate ng eskwelahan nang biglang "Ahhh!" muntik na akong masagasaan ng humahagibis na motor kaya naman napaupo ako sa gilid ng kalsada.

Bumaba ang driver mula sa kaniyang motor at unti-unting lumalapit sa akin habang ako naman ay dahan-dahang tumatayo. Nang makatayo na ako, pinagpag ko ang damit ko at palda na puro alikabok. Kainis!

"Miss, ayos ka lang?" malumanay nitong pagtatanong nang makalapit

"Wow! Mukha ba akong ayos ha? Sa palagay mo ba? Kung ikaw kaya muntik masagasaan magiging ayos ka ba?!" singhal ko dito dahil sa inis na naramdaman

"Ahm... sorry" tangi nitong banggit bago bahagyang yumuko kaya naman napairap ako paitaas.

"Sa susunod, makiramdam ka naman sa paligid mo para wala kang maagrabyado" tugon ko bago nagpatuloy sa paglalakad papasok.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" tanong ni Priam nang makasalubong ko siya sa hallway na may hawak pang sandwich. Ang aga-aga pa pero nagmemeryenda na siya.

"Hay nako! Muntik na akong masagasaan kanina kaya badtrip ako." inis na sambit ko habang inaalala ang nangyari kanina

"Mga tao talaga ngayon hindi nag-iingat, tsk"

"Siya nga pala, bakit hindi ka nagtext sa akin kagabi? Nag-alala ako ng sobra alam mo ba?" parang nanay na banggit niya habang nakapamewang. Hindi rin kasi kami nagkasabay na umuwi kagabi dahil may kailangan pa siyang bilhin kaya pinauna ko na siya.

Nang makapasok kami sa classroom, inilapag ko ang mga gamit ko at padabog na umupo.

"May nangyari kasi kagabi." naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa galit. Kagabi kasi pakiramdam ko ay may nakasunod na naman sa akin pero hindi ko lang pinansin kaya nawala sa isip kong magtext man lang sa kaniya.

"Ha?! Anong nangyari?!" malakas na tanong nito kaya naman umalingawngaw ito sa buong classroom pero buti na lamang at kaunti pa lang ang tao. Nasaan kaya yung iba? Malapit nang magsimula ang klase pero bakit wala pa sila? Sa bagay ano namang pakialam ko? Kung walang tao edi mas maganda.

"Ah basta! Huwag mo nang isipin yun, ang importante ayos naman ako" sana lang ayos nga talaga ako.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng tilian ng mga babae kaya napalingon ako sa bandang pintuan. Ano kayang mayroon?

"Bakit kaya nagsisigawan?" kunot-noong tanong ni Priam. Napairap at napabuntong hininga. Ano na naman kaya ito?!

Ilang saglit lang ay nagsipasukan na ang mga kaklase naming lalaki na halatang nabubugnot at may inis sa kanilang mga mukha.

"Pre, anong mayroon sa labas?" tanong ni Priam sa isa naming kaklase

"May bagong salta" inis na sagot nito.

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon