Chapter 23

27 1 0
                                    

Chapter 23: Herminia Montallejo

Dumating si Priam sa bahay ilang minuto matapos kong ibaba ang tawag. May dala siyang isang kahon na pizza at 1.5 liter na softdrinks. Mukhang kaliligo lang din niya.

"Pagkain para sa'yo mainit pa 'yan" kinuha ko mula sa kaniya ang pagkaing dala niya.

"Ayaw na ayaw mo naman akong nagugutom" biro ko pero nilagpasan niya lang ako at dumiretso sa sofa. Umupo siya bago itaas ang mga paa sa lamesa na para bang siya ang may-ari ng bahay.

Ibinaba ko muna ang mga hawak ko "Priam, tara sa taas may ipapakita ako sa iyo" banggit ko kaya nilingon niya ako.

Kunwari niyang tinakpan ang kaniyang katawan gamit ang dalawang kamay.

"Bata pa po ako!" napairap ako sa inaasta niya. Ang dumi talaga ng utak niya.

"Huwag ka ngang hibang! May nakita akong lumang gamit ng mga magulang namin at 'yon yung gusto kong ipakita sa'yo. Siraulo"

Tinawanan niya ako bago tumayo at umakbay sa akin. Kinurot pa niya ang pisngi ko kaya naman siniko ko siya.

"Akala ko pinagnanasahan mo na ako eh"

"Aba! Ang kapal naman ng mukha mo! Bahala ka nga jan!" inalis ko ang kamay niya at nagpatiuna na sa pag-akyat. Baliw talaga siya kahit kailan.

Sumunod siya sa akin sa kwarto ng mga magulang namin. Ipinakita ko sa kaniya lahat ng nakita ko pati na rin ang sulat ng nanay namin kung saan nabanggit ang pangalan ng lola niya na si Herminia Montallejo.

"Sa tingin mo, bakit kaya pinapapunta nila ako sa lola mo?" tanong ko sa kaniya kaya bahagya siyang napaisip

"Hindi ko rin alam pero kung sinabi nila na puntahan mo siya ibig sabihin ay may mahalagang impormasyon siyang maibibigay sa iyo" napatango ako sa sinabi niya.

"I need to see her. Alam mo ba kung saan siya nakatira?"

"Oo kaso lang kailangan nating bumiyahe sa Batangas" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"B-Batangas?! Ang layo non mula rito sa Bulacan!"

"Wala tayong choice. If you really want to talk to her, kailangan natin siyang puntahan" napabuntong hininga ako. Wala nga talaga kaming pagpipilian.

Kagaya ng napag-usapan namin ni Priam bumiyahe kami papuntang Batangas pagkatapos ng quarterly exams. Nagkataon na half-day ang klase ngayong araw dahil sa faculty meeting kaya umuwi muna kami sa kaniya-kaniyang bahay para kuhanin ang mga gamit namin. Biyernes ngayon kaya ipinagpaalam ko kay Kuya na hanggang Linggo kami sa Batangas. Hindi ko sinabi sa kaniya ang tunay na dahilan. Ipinagpaalam ko lang na nagpasama sa akin si Priam para bisitahin ang lola niya.

"Mag-iingat kayo roon Nini lalo ka na dahil hindi ka pamilyar sa lugar na 'yon. Huwag kang pupunta sa kung saan-saan. Dumikit ka lang kay Priam hangga't maaari."

Tumango ako sa ika-sampung ulit "Opo boss! Mag-iingat ako Kuya kaya huwag ka nang mag-alala." bumuntong hininga siya bago sumang-ayon

"Sige na, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo niyan. Hoy Priam! Ingatan mo 'tong kapatid ko ha? Kapag may nangyaring masama rito papatayin talaga kita" pagbabanta niya kaya palihim akong tumawa.

Sumaludo naman si Priam "Yes sir! Iingatan ko po ang kapatid niyo sir!" banggit niya na parang siraulo. Napairap ako dahil sa inaasta niya.

"Tara na Niana" pag-aya niya sa akin kaya tumango ako saka dinala ang bag ko na naglalaman ng pangtatlong araw na gamit.

"Bye, Kuya" ngitian ko si Kuya bago kami lumabas ng bahay. Kinawayan ko pa siya habang papasok ako sa kotse.

"Ingat!" sigaw niya habang unti-unti kaming umaandar

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon