Chapter 5

57 3 1
                                    

Chapter 5: My Past

"Nini! Bilisan mo na daw sabi ni Mommy! Malelate na tayo!" pagtawag ni kuya pero hindi ko siya pinansin sa halip ay pinagpatuloy lang ang pag aayos sa sarili

"Ano ba?! Ang tagal-tagal mo naman e kanina ka pa nag aayos jan! Tara na nga!" bigla niyang hinablot ang braso ko saka hinila palabas ng bahay

Binuksan niya ang pintuan at tumitig sa akin "What are you waiting for? Pumasok ka na!" he yelled at me kaya dali-dali akong pumasok sa kotse.

"What took you up so long sweetie?" Mom is referring to me

"Paano Mommy paganda pa ng paganda dun kaarte-arte" sabat ni kuya habang umiirap irap

Narinig kong tumawa ng mahina si Mommy at ibinalik ang tingin sa daan.

"Shall we go?" tanong ni Daddy na halatang kanina pa handa sa pag alis

"Uhum" banggit ko habang tumatango

"Abay dapat lang hano! Kanina pa kami ready dito nila Mommy at Daddy e"

"Naghanda lang naman ako ah!"

Biglang lumingon sa amin si Mommy "Honey, wag mo nang awayin yang kapatid mo always remember na kuya ka niya at dapat mas iniintindi mo siya" pagsaway samin ni Mommy  na nagpatigil kay kuya at idinako na lang ang tingin sa labas ng kotse.

"We're here!" sigaw ko habang bumababa ng kotse at nagtatatalon

"Ang ingay ingay mo naman! Para kang bata!" singhal ni kuya sakin kaya napapout ako

"Bata pa naman talaga ako ah. Kahit kelan talaga ang epal mo kuya!" nagmamaktol akong tumakbo papunta kay Daddy

"Oh why sweetie? Bakit nakapout ka?" tanong ni Daddy habang nakayakap ako sa kanya

"Si kuya kasi e laging epal" bulalas ko na nagpatawa sa kanya ng mahina

Naramdaman ko ang pagdating ni kuya kaya lumipat ako sa kaliwa ni Daddy para hindi ko siya makatabi.

"Alam nyo kayong dalawa lagi kayong nag-aaway. Magkapatid kayo kaya dapat lagi niyong pinoprotektahan ang isa't-isa at wag niyo na dapat pinasasakit ang ulo ni Mommy ha?" napatango ako sa sinabi niya kahit na labas yun sa kabila kong tenga.

"Ikaw Juliuos, lagi mong iingatan at babantayan itong kapatid mo ha dahil mas bata to sayo at babae pa" tumango si kuya bago tumakbo sa kinaroroonan ng Mommy namin.

We enjoy the whole trip sa amusement park especially ako kasi nga napakadaming rides na pwedeng sakyan at napakadaming mga laruan na pwedeng bilhin. Si kuya naman pakipot pa noong una samantalang ngayon enjoy na enjoy naman niya.

-

It's been a tiring day kaya naman habang nasa biyahe ay nakatulog kaming dalawa ni kuya. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan namin kaya napadilat ako at tiningnan si Mommy at Daddy na lumabas ng kotse.

Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong dalawang taong naglalakad. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag kung lalaki ba sila o babae. Bago pa man sila makalapit sa kotse ay sinalubong sila ng mga magulang namin. I think they are arguing about something kasi parang nagagalit si Mommy kaya naman naisipan kong ibukas ng bahagya ang pintuan ng kotse and I was right nagtatalo nga sila but I can't hear it clearly kasi medyo malayo pa sila so I decided na bumaba at lapitan sila pero napansin ng dalawang tao ang pagbaba ko kaya napatingin sakin sina Mommy at Daddy. Tumakbo sila palapit sa akin saka ako itinago sa loob ng kotse.

May isinuot sa akin na kwintas si Mommy "Always wear this, it will protect you" she kissed my forehead as she locked the door. Inilabas ni Mommy ang isang patalim mula sa bag niya saka iniharap sa dalawang taong nakaitim. Naglabas na rin ng patalim si Daddy at itinapat din sa dalawa. Nagulat ako sa sumunod na pangyayari, humaba ang mga kuko ng dalawang tao. Lumingon ang isa sa akin at doon ko nakita ang matatalas na pangil niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng kirot mula rito parang pinipiga ng sobrang higpit. N-nahihirapan na akong h-huminga. Pakiusap t-tulungan niyo a-ako.

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon