Chapter 20

46 3 0
                                    

Chapter 20: Distorted

Matapos naming mag-ayos ng mga tent ay nagtungo na kaming lahat sa pinakasentro kung saan may limang mahahabang lamesa ang nakalatag. Puno ito ng mga pagkain na aming pagsasalu-saluhan. Marami na rin ang nakakuha na ng pwesto kaya sa pinakadulo ako napunta.

"Dito ka na" hinila ako ni Priam sa tabi niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo.

Iginala ko ang mata ko para hanapin si Scott hanggang sa dumako ang mata ko sa pangatlong lamesa. Nakaupo siya roon katabi si Mrs. Manuel at parang kanina pa siya may hinahanap. Nangunot ang noo ko hanggang sa biglang maglapat ang mga paningin namin. Huminga siya nang malalim, yung tipong nakahinga na siya nang maluwag bago marahang ngumiti kaya nginitian ko na lang din siya saka ibinaling sa iba ang tingin.

"Okay students! Makinig kayo" tumayo si Mr. Verano sa upuan habang may hawak na megaphone.

"Pagkatapos nating kumain at magpahinga ay magsisimula na tayo sa ating unang activity. Mamaya ko ipapaliwanag ang mga dapat gawin pero advice ko lang na kumain kayo ng marami para may lakas kayo at dahil siguradong mami-miss niyo 'yan. Eat well and enjoy" muli siyang umupo kaya nagsimula na kaming kumain.

Kuminang ang mga mata ko dahil sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin. Hindi pa ito boodle fight kaya pangmayaman pa ang mga nakahanda. Pork steak, crispy pata, tempura, toccino at iba pa. Ang yaman ng eskwelahan namin para lang maghanda ng ganito karaming pagkain at mamahalin pa. Ayaw pakainin ng mumurahing pagkain ang mga estudyante nilang laki sa yaman.

"Sana laging may camping" bulong ni Priam sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Sarap na sarap siya sa pagkain at kitang-kita naman 'yon dahil sa dami ng kinuha niya.

"Dahan-dahan lang kaya" banggit ko bago magsimulang kumain.

Nagligpit kami pagkatapos kumain at nagtungo sa batis para hugasan ang mga pinagkainan. Bumalik din kami agad sa camp site saka nagpahinga sandali.

"Guys! Lumapit kayo sa amin!" sigaw ni Mr. Salazar na siyang may hawak na ngayon ng megaphone. Agad kaming nagtungo sa kinalalagyan niya at naupo paharap sa kaniya.

"For today's activity, you will bond to your partners" sambit niya kaya marami ang nagbulungan.

Kinuha ni Mr. Verano ang megaphone mula kay Mr. Salazar saka humakbang palapit sa amin.

"You heard it right! Ang activity ngayon ay kailangan ninyong makakuha ng mga flags na nakakalat sa iba't-ibang lokasyon. Pero ang twist nito ay nakabond kayo sa partners niyo" nagulahan kami sa sinabi niya. Paano bang bond?

"Tig-isang kamay at paa lang ang malaya ninyong magagamit dahil itatali namin kayo sa isa't-isa." inanyayahan niya ang dalawang babaeng nasa harapan

"Ganito ang gagawin namin sa inyo" kumuha siya ng dalawang tali bago humarap sa mga babae. Pinagtabi niya sila at pinagdikit ang mga kamay bago itali. Kaliwang kamay para kay Jessa at kanang kamay naman para kay Cindy. Itinali niya rin ang magkasalungat na paa ng dalawa katulad ng ginawa niya sa mga kamay nila.

"You will move as one. Isang kamay at isang paa lang ang magagamit ng bawat isa sa inyo. Kung baga ay parang magiging isang tao lang ang gumagalaw. Kukuha kayo ng flags at ilalagay niyo sa bag na ito" may inilabas siyang transparent na resealable plastic "This is a contest. Kung sino ang makakuha ng pinakamaraming flags sila ang magkakaroon ng reward." dumami ang bulungan sa paligid dahil sa reward na sinabi niya

"Ang pagkain ninyo mamaya ay isang takal na kanin lang na nasa lalagyan na ito" ipinakita niya ang isang cup na tatlong pulgada lang ang taas "At isang piniritong isda na magiging hapunan niyo" maraming nagreklamo dahil sa narinig

His Vampire Slayer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon