Chapter 22: Letter
Last day of our camping event. Every hour feels like just a few seconds. Time flies so fast and we're cherishing every single minute of this day because this may be the last. We're moving college the next year and we'll surely separate our ways. I will miss this for sure.
Maraming activity ang naganap ngayong araw kaya sobrang pagod ang mga katawan namin pero sulit naman dahil napakasaya ng araw na ito. Puro tawanan at asaran ang nangyari sa camping na ito. This year is probably the best thing happened in my whole student life.
"Niana" napalingon ako kay Priam na naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa punong sinasandalan ko.
Narito kami sa mataas na bahagi ng gubat kung saan makikita ang napakagandang paglubog ng araw.
"Ang ganda ng araw" banggit ko habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa kulay kahel na kalangitan.
"Ang ganda nga" bahagya siyang sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa magandang tanawin.
Naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko kaya agad ko siyang tiningnan. Pumikit siya at dinama ang banayad na hangin na para kaming idinuduyan.
"Niana..."
"Hmm?" hinawakan niya ang kamay ko habang nakapikit pa rin
"I'm sorry" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"For what?"
"Just take it in case I can't personally say that" mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya pero bigla akong naging alerto nang maramdaman na parang may gumalaw sa isang puno.
Marahil ay naramdaman din ni Priam ang nangyayari kaya nag-angat siya ng ulo at umalis sa pagkakasandal sa akin.
"Bumalik na tayo" tumayo siya at inilihad ang kamay niya na kaagad kong kinuha.
Nagsimula na kaming maglakad pababa hanggang sa may marinig kaming bumagsak na puno.
"Takbo!" sigaw niya bago kami tumakbo nang mabilis. Kagabi lang may nangyaring hindi maganda tapos heto na naman kami.
"Priam yung sugat mo..." napansin kong dumudugo yung sugat niya sa braso na nakuha niya mula sa pag-atake ni Calix.
"Huwag mo nang pansinin 'yan, halika na" hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami nang mas mabilis. Pawisan kami at hinihingal pero hindi kami makaramdam ng pagod. Patuloy lang kami sa pagtakbo habang patuloy sa pagbagsak ang ilang mga puno.
Malapit na kami sa bukana papunta sa camp site nang makarinig kami ng sigawan na nagmumula roon.
"Bilisan natin!" banggit ko bago magtatakbo palapit sa mga kasama namin
Hingal na hingal kami nang makarating sa lugar. Naabutan namin silang lahat na nasa labas ng kaniya-kaniyang tent. Takot at pangamba ang makikita sa kanilang mga mukha.
"Anong nangyari?" tanong ko sa isa naming kaklaseng babae
"Bigla na lang bumagsak yung isang puno malapit sa tent nila Melvin na parang may pumutol non. Nasa gawi na 'yon si Mr. Verano kaya nagbagsakan siya. Hindi pa namin alam ang lagay niya ngayon" mangiyak-ngiyak na salaysay niya.
Nagkatinginan kami ni Scott bago lumapit at makiusisa. Lahat sila ay pinatabi muna sa isang gilid at sinabihan na manatiling kalmado. Nakadagan pa rin kay Mr. Verano ang puno. Kalahati ng katawan niya ang nabagsakan kaya hanggang ngayon ay nakadapa pa rin siya ay dumadaing sa sakit. Ilang minuto pa ay naalis na siya roon at dinala sa isang tent kung nasaan ang medical team.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...