Chapter 18: Some Truth
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Mukhang tama si Kuya, nagiging routine ko na yata 'to.
Maaliwalas ang panahon ngayon. Hindi pa sumisikat ang araw nung magising ako kaya ako muli ang nagluto ng umagahan namin ni Kuya. Pagkatapos magluto ay ginising ko na rin siya para sabay kaming kumain. 5:30 am.
"Ang aga mo na magising lately ah? I must say, it's an improvement" mahina siyang natawa habang naglalagay ng hotdog sa plato.
"Yeah. Improvement nga yata 'to" sumabay na rin ako sa pagtawa niya.
Makalipas ang ilang minutong pagkain at asaran na hindi namin madalas gawin lalo na sa tuwing kumakain, gumayak na siya at pumasok. Gumayak na rin ako ilang segundo lang matapos niyang umalis.
Nakatitig ako ngayon sa reflection ko sa salamin habang nagsusuklay. Medyo gumagaling na rin yung sugat ko pero tiyak na mag-iiwan ito ng peklat sa mukha ko. Nakakainis!
Bigla ko namang naalala yung kutsilyo kong gawa sa pilak. Lumapit ako sa study table ko at binuksan ang drawer nito. Kinuha ko ang isang maliit na kutsilyo na may konti pang bahid ng dugo na hindi ko na nagawang linisin noong nakaraan.
Sa pagkakatanda ko ay nabitawan ko ito noong kinokontrol ni Calix ang katawan ko kaya paano ko naman ito naiuwi? Yung nagligtas sa akin ang may gawa? Noong nagising kasi ako, nasa bulsa ko na ang kutsilyo na 'to.
Napadako ang tingin ko sa wallclock. Six thirty-eight. Hala! Baka ma-late ako nito!
Ibinalik ko sa drawer ang kutsilyo at muli itong isinara. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Kinandado ko ang pinto bago sinimulang maglakad.
After walking for twenty minutes, nakarating na rin ako sa University. Hinihingal pa ako nang makapasok ako sa gate. That walk is quite tough.
"Late ka na" napalingon ako sa lalaking nakasandal sa pader ng hallway papunta sa room habang nakapamulsa. Nakatingin ito sa akin habang nakangisi.
"Nagsalita ang hindi late" napairap ako bago magpatuloy sa paglakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang braso niya sa balikat ko.
"Kahit kailan talaga ang bagal mong kumilos" napapailing pa siya habang nagsasalita kaya naman siniko ko siya.
"Galing pa talaga sa mas mabagal kumilos" muli akong umirap pero tinawanan niya lang ako.
Pagpasok namin sa classroom, maingay pa rin. May sari-sarili silang ginagawa. May mga nagpapaganda na hindi naman gumaganda, may nalalampungan pa sa gilid na parang hindi kami napapansin at syempre may naglalaro ng mobile games na sumisigaw pa kapag namamatay yung character nila. Wala pa si Mrs. Manuel?
Hindi na lang namin sila pinansin ni Priam at dumiretso na kami sa upuan namin. Nilapag ko ang bag ko habang ito namang katabi ko ay pabagsak na umupo. Uupo na rin sana ako nang may marinig ako na sumigaw.
"Watch out!" pero bago pa ako makailag ay sumalpok na sa mukha ko ang board eraser na puro chalk pa.
"Shit!" puro alikabok ako galing sa chalk. Namumuti ang mukha ko at ang hapdi ng mata ko. Langya naman! Sino ba ang nagbato non?!
Pinahid ko ang alikabok sa mukha ko at dumilat. Nakita ko ang isang lalaking nakangisi sa akin. Melvin; ang kaklase kong pinakabwiset sa lahat.
"Sorry, Niana" banggit nito pero may ngiti pa rin sa labi. Burahin ko kaya mukha nito?
Yumuko ako para pulutin ang eraser na ibinalibag niya. Nagulat ako nang punasan ni Priam ang mukha ko gamit ang panyo niya.
Nakakuyom ang isa niyang kamay habang pinupunasan ang mukha ko "Gago talaga" rinig kong sambit niya. Melvin, magdasal ka na because he is going to kill you.
BINABASA MO ANG
His Vampire Slayer (On-going)
VampireHow long can you fight just to save the love of your life? Pinagkatiwalaan mo siya higit sa kahit na kanino pero paano kung siya pala ay may tinatagong lihim? Paano kung isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian mo? Will you still fight for him? Or...