This Chapter Contains Cryaier's life years ago......feel free to say what am i going to improve....love lot's!
Ang pinakatangang desisyon na ata na nagawa ko sa buhay ay ang hayaan kong maging mapusok kami ni Castriel...
umalis ako sa mansyon niya ng mabigat ang dibdib at halos magwala ako ng makita ang babaeng may pangalan Xyries... gustong gusto ko na piraitin ang ulo niya pero hindi ko magawa....
Naging miserable ang buhay ko....hindi ko alam na ganito pala ang totoong pagmamahal...minahal ko rin naman si Sky Austin noon pero iba ang nararamdaman ko kay Castriel....mas malalim, yung pagmamahal na kaya kong ibuwis ang sarili kong buhay para sa kanya.
Sa sandaling mga oras araw at buwan na magkasama kami hindi ko lubos maisip na magmamahal pala ako ng kagaya niya... isa siyang mahina....at walang kwentang lalaki para sa akin na may "alam mo ba" na words sa mga salita niya..
at makakaimbyerna ang bibig niya.
Napatawa na lang ako ng maramdaman kong umeepekto na ang spirito ng alak sa sistema ko.
bahagya pang tumulo ang luha ko...
Hanggang sa magtungo ako sa kwarto ko dito sa condo na pagmamay-ari ko.
Gusto kong uminom para makalimutan siya, pero heto ako't hindi makalimot at umiiyak pa.... siya din ba? umiiyak din ba siya ng dahil sa akin?...
"no Cryaier you should be though.." pagkumbinsi ko sa sarili ko pero ang mga taksil kong luha ay nag unahan na naman sa pagtulo.
"you shouldn't have to cry, you're though...malakas ka Cryaier" pero napahagulhol na lang ako...hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito ako pero sapat na siguro yung nararamdaman ko para sa kanya...
__
Hanggang sa isang araw nagising ako ng parang may humahalukay sa sikmura ko.. agad akong nagpunta sa banyo upang sumuka..
Wala naman akong isinuka kundi tubig lang..
Habang naghihilamos ay nanalamin ako namutla ang mukha ko ng maalala na isang linggo na akong delayed dapat ay nung lunes pa ako dinatnan pero hanggang ngayon ay wala...
"hindi kaya? buntis ako?....no...no this can't be..hindi maaari hindi ako pwedeng mabuntis" napasapo ako sa noo..
napapansin ko din ang pagtigas ng tiyan ko at medyo lumalaki din ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/226063653-288-k130175.jpg)