Nang makarating sa ospital ay pansin ko ang pagmamadali ni Cloud sa paglalakad, sya na rin ang nagtanong sa front desk kung saang room nandodoon ang ate ni Nyx.
"Heaven Beatrix" saad nito
"Heaven Beatrix Javier po?" anang babae na mukang kinikilig pa sa anak ko
"yes"
"room 54 po 2nd floor" tinanguan lang nito ang babae at umuna na.
"bakit madaling madali si kuya?" curious na tanong ni Caiden
"I don't know anak, maybe he was just concerned" sagot ko sa kaniya
"yes he is, kanina nung namimili kami he suggest to keep Nyx and his ate because kailangan daw?" Calix added.
"ahmm kuya Cloud, he had a crush on my ate, I don't know po kung meron pa rin hanggang ngayon" magalang na dagdag ni Nyx kaya naman nagkantyawan ang mga bata sa likod ko habang naglalakad kame papuntang elevator.
.
Habang papalapit kami sa room kung saan nandoon si Heaven ay mas palakas ng palakas ang naririnig naming sigaw.
Hindi iyon normal dahil parang nagwawala.
"ate!" Nyx shouted before he ran towards the door.
Naalarma naman kami kaya napagpasyahan namin na bilisan ang kilos patungong kwarto
Nang makarating sa pintuan ng kwarto ay kalmado na, wala ng ingay,
Nakita ko ring hawak-hawak ni Cloud ang kamay ng dalaga habang nakatulala sa maamo nitong muka.
Walang nangahas magsalita sa amin nang matuklasan ng lahat ang pag iyak ng aking panganay, maski ang puso ko ay nadurog, kahit na bata pa si Cloud ay alam kong mahal na niya ang babaeng hawak hawak niya ang kamay ngayon.
"maybe, we can wait at the waiting area na lang mom" Courtney said.
Tumango ako sa kanila at isa isang nilisan ang kwarto, alam kong naaawa sila sa lagay ni Cloud ngayon.
Dahan dahan akong pumasok sa loob at dahan dahan ding isinarado ang pinto
Sa kaliwang bahagi ng kama ay nandodoon si Nyx katabi si Doc. Erika Manalo na bakas din ang pagkalungkot sa muka.
"Family of the patient po?" magalang na tanong nito
"yes po"
"follow me po, may kailangan po tayong pag usapan" saad nito kaya tumango ako bago sumunod.
Nang makarating kami sa kaniyang opisina ay inalok niya akong maupo sa kaniyang harapan.
"it is a very serious matter to discuss Ms"
"Nam"
"Ms Nam, the boy said that his sister got raped kaya i expect na po natin ang pagiging traumatized niya, lalo na sa mga lalaking hahawak sa kaniya,"
"kaya ba siya nagwala kanina?" deresto kong tanong dito, before she answer ay ngumiti muna siya.
"hindi, honestly iam having a hard time sa pagpapakalma sa kaniya, buti na lang dumating po yong batang lalaki kanina medyo kumalma po siya ngunit umiiyak"
"yung maliit po na bata?" im just curious kaya nagtatanong ako
"nope, the boy na sa tingin ko ay kasing tanda niya lamang, is it your son?, medyo hawig kasi sayo" nakangiti akong tumango
"we would examine her for 3 days then pwede na siyang lumabas." saad nito upang panapos na pag uusap namin.