Chapter 23.

49 4 0
                                    

Nang makarating sa bahay ay nagtungo kami ni Cryaier sa library ng mansion. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya kaya hinigpitan ko ang hawak dito at pinatianod siya sa paglalakad ko hanggang sa tumigil siya at seryosong tumingin sa akin.

"Castriel....sabihin mo sa kanila magtago sila..." nagugulugan akong lumibgon sa kanya.

"just do what i said at bumalik ka dito agad." tumango na lang ako at iniwan siya pumanhik ako sa taas at binuksan abg kwarto kung saan nandoon ang mga anak namin.

"Boys, Courtney you'll need to hide" Nagtatanong silang tumingin sa akin "Just do what i said bilin yon ng mommy nyo"

"alright dad" Cloud

"take care daddy" Caiden

"Iloveyou dad" Cross

"Take Care, I'll protect Courtney" Calix

"i can protect myself, even mommy and daddy you know that kuya Cal" Courtney said tf?

"okay okay as you say so" Calix said

"i lock nyo ang pinto mga anak wag kayong lalabas hanggat hindi kami ang kumakatok"

Cryaier Jazmyn Elizabeth Nam

"Just do what i said at bumalik ka dito agad" seryosong sabi ko kay Castriel na naguguluhan hanggang ngayon.

tss what a cutie...

"Lumabas ka" sabi ko kaya bigla na lamang lumabas mula sa madilim na sulok ng mansyon ang lalaking matagal ko ng iniintay.

i smirked.

"Long time no see...."mas ngumisi ako lalo   "Fred the traitor" Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya mas nilakihan ko ang ngisi ko.

"Nam..." he said in calm tone "Saan nyo tinatago si Herson,?" he gritted his teeth

"i do not know? ikaw alam mo? kase kung alam mo sabihin mo na para mapatay ko na sya" Lalapit sana siya sa akin ng pigilan ko sya.

"Fred Raezon Tang....sa paanong paraan mo gustong mamatay ang pinakamamahal mong kakambal?....sa biglaang paraan....o sa dahan dahan at masakit na paraan?"

"Walang hiya ka Cryaier!"

"Kung walang hiya ako demonyo ka! Gano kahirap makita na yung totoo kong ina pinapahirapan nyo ha!? tanga ka tatanga tanga ka masyado kang bulag dyan sa tangang paghihiganti mo! kayo naman ang may kasalanan kung bakit namatay ang ina nyo! ano? gano kasarap maging miyembro ng ZENA team? na dapat ay si Gerden ang nasa posisyon mo?" hindi siya makaimik hanggang sa marinig ko ang yabag ni Castriel

"Fred...all this time i thought you're a good friend of mine" He chuckled...his voice sent shiver into my body.

"kung hindi ka rin lang tanga Castriel....Hindi ka nakakahalata ng nangtatraydor sayo! HAHAHAHA"

"So tama ako? ikaw at si Herson ang may pakana ng pagkakabangga ni Cryaier  years ago? at ang pagkamatay ni Tita Lucille...ang pamilya nyo ang trying hard na magpalaganap ng Alvarez's Culture?...dahil alam nyong kapag may isinilang na babae sa ilalim ng pamilyang Alvarez lalo na kapag Atienza-Nam ang naging kaalyado...lulubog ang Tang ayon sa propesiya..."  Napalunok ako napakalinaw ng salita niya ang kultura ng mga Alvarez na kahit kailan ay hindi ko malaman laman sinisiwalat niya ngayon sa mismong harapan ko? sa harapan namin ng lalaking ito.

"Wala kang alam Alvarez manahimik ka" nagpipuyos sa galit na utas ni Fred.

"marami akong alam...mas marami pa sa alam mo.." nginisihan siya ni Castriel...."Umuwi ka ngayon at sabihin mo kay Mr.Hervy Tang na kakasuhan ko kayo...sa korte na lang tayo magkita kita."

Naging alerto ako ng bigla siyang sapakin ni Fred pero nakailag ulit siya at tinuhod naman ni Castriel sa likod ito.

"Fred naaawa ako sayo" tumayo si Fred at sasapakin sana si Castriel ng biglang may kumalabog sa kwarto kung saan nandoon sila Courtney kaya dali dali akong nagpunta doon at nakita si Vrithney na kukuhanin sana si Courtney.

kaya lumapit ako at sinipa ang likod niya kaya napatumba siya sa sahig.

"go to the library mga anak andoon ang lola at lolo nyo" nagtakbuhan sila papunta sa library ng biglang may humarang sa kanila kaya sinipa ko ito sa leeg kaya natumba ito at nawalan ng malay

"epal ka talaga Nam!"

"oh talaga ba? another traitor?" I chuckled she groaned at bigla akong sinugod akmang sisipain nya ako pero nahuli ko ang paa niya at binali ito.

"Kunwari kaibigan pero.....traydor pala" i said habang namimilipit siya sa sakit.

"Cryaier maawa ka...wag mokong tutuluyan... pakiusap" umiiyak na saad nito.

"anong nagawa ng pamilya ko sa inyo Vrithney? naging mabuting kaibigan ako sayo simula bata tayo...tapos ito ang igaganti mo sa akin?"

"You'll never guess how does my own grand parents compare me to the great Cryaier Elizabeth Atienza! You'll never know how they insult me !you never know how much they degrade me!.. just because of you BethBeth! You didn't know how i beg to Triel not to love you because i already liked him! lahat inagaw mo Beth! inagaw mo! That's why i use my own sister  Porsche just to seduce Sky kahit ayaw niya. I do everything just to make you suffer...pero bakit ako yung nahihirapan!?" may mga butil ng luha ng pumapatak sa mga mata niya at nananatili lang akong nakatingin sa kanya. "pagod na ko Cryaier pagod na pagod na ko."

Don ko napansin na may tama na pala siya ng bala sa dibdib at nakangiting nakatingin sa akin...bago tuluyang bumagsak sa sahig

"Bantayan mo ang anak ko Cryaier bantayan mo si Elijah...i-ituring mo siyang parang tunay mong anak..."

"wag mo ngang sabihin yan Gaga ka talaga!" umiiyak ng saad ko

"no...just do what i said... at kunin mo sya sa mga Tang.....kunin mo siya kay Reazon kunin mo sya sa sarili niyang ama" may pumatak na butil ng luha sa mga mata niya.

"sorry Cryaier...im sorry for everything that i do to you....my child..name her Caliztogia Elijah Franxiyn Alvarez..." yon ang sabi niya bago siya bawian ng buhay...

Dinala namin siya sa ospital...katulad ni Vrithney ay may bumaril din kay Reazon magkatulad lang ng bilin ang dalawa parehong kapakanan ng anak nila...

Sabay silang binawian ng buhay sa magkaparehong lugar oras at araw ..

sa araw ng libing nila ay wala man lang pumunta kahit na isang miyembro ng pamilyang Tang kumpara sa isang ale na nagmamadaling lumapit sa amin ni Castriel at may ibinigay na batang babae na nakabalot sa itim na pranela.

"utos po ni Master Davon itago nyo po si Gia yon ang utos niya dahil maaari kayong masundan ng mga Tang." anito at dali daling umalis.

Malaki ang bata tantya ko ay nasa isang taon pa lang ito ang kumikinang na itim na itim nitong mata at ang kulay gatas na balat ay nakakaengganyong tingnan.

Nakatulala lang din sa kaniya si Castriel na kung hindi ako pumitik sa harapan ay hindi siya aayos.

"let's go..." i said sumunod naman siya ng walang pag-aalinlangan

habang papauwi ay biglang may tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito ng makitang si Sally ang tumatawag.

"hello Sally bakit? nagkukulit ba ang lima dyan?" umiiyak na Sally ang sumagot sa akin.

"Cryaier....si si si Zilver, Summer at Courtney may kumuha sa kanila hindi ko sila nalabanan dahil nahimatay ako at hinampas nila sa batok si Zade" mapakuyom ang kamao ko

"anong kulay ng mga damit ng kumuha sa kanila?"

"p-pula Cryaier tama! pula naka pulang coat sila!"

Agad kong pinatay ang tawag at binalingan si Castriel na payapang nagdadrive...

"pakibilisan ang pagmamaneho gutom na ata si Elijah" ginawa ko pang gamit ang bata para lang di kami mabangga.

  

'Walanghiya ka Harvy Tang'

TO BE CONTINUED.....

SHE'S NOT A ROBOT (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon