CHAPTER 14

67 4 0
                                    

"Are you ready for the great show, young man?" He nodded and smirk

"Always ready" he said .

Hawak ko ang kamay niya at itinatago siya sa likod ko habang nakikipagbarilan.

Alam mo yung intense na yung sitwasyon pero nakukuha pa niyang tumawa. Napailing na lang ako pauulanan ko ng tanong ang batang ito mamaya.

May dumaplis na bala sa balikat ko pero hindi ko iyon ininda sa halip ay mas ikinover ko si Cloud sa akin at sabay kaming naglalakad habang bumabaril ako na hawak ang kamay niya.

"Wow! five man down youre great!" He said then i smirk.

Patuloy lang ako sa pagpapatumba ng kalaban ng biglang tumunog ang earphone ko.

"Head Dark!, let the show begin" its Zade

Mas maraming tao ngayon ang nagpaulan ng bala sa amin lahat sila nakapulang suit.

Padami sila ng padami kaya napaatras kami, hanggang sa makorner ang buong team ko ng isang batalyon na mga armadong tao.

"Cloud! What are you doing here!?" Napatingin ako kay Zade bakas ang pag aalala sa mukha niya

"Running away from that crowded place with my great freedom ninong Zacharius" tiningnan ko si Zade ng nagtatanong na tingin pero biglang may humampas kay Yuri

"Damn!" Nagsimula na kaming kumilos bawat pagpapaulan nila ng sipa at suntok at naiiwasan at nalalabanan ko gamit ang isang kamay.

Nagtataka din ako dahil hindi sila gumagamit ng mga baril gayong mayroon naman sila sa halip ay inilapag nila iyon at nakipaglabanan ng combat battle sa amin.

Nasipa ako ng isa sa may panga kaya medyo napaatras ako dumugo ang bibig ko dahil sa lakas ng impak niyon.

Sandali kong binitawan si Cloud at tumalon at sumipa sa ere .

Boom tumba ang panget!

"Wow!" Kung hindi lang ako abala sa pakikipaglaban ay napahagalpak na ako ng tawa sa batang ito.

"Mister sa likod mo!" Kaagad naman akong sumipa sa likod at bumagsak ang lalaki.

Nang may sumugod pang isa na pinakahuli pa ata ay hindi na ako naghesitate na sipain sya kaya ang ending tumba ulit sya.

Sabay sabay kaming hinihingal na napaupo nagngitian pa kami ng buong Zena Team ang team na binubuo ng anim na tao sa pamumuno ko

Its started with me then Zade then Fred then Gerald then Trek and Yuri.

"Argh! Let me go you grumpy ugly man!" Napaayos ako ng katayuan ng marinig ang boses ni Cloud habang hawak ng isang malaking lalaki at may nakatapat na kutsilyo sa leeg nito.

"Why dont you just stab me?, are you scared?" Nakangising sabi ng batang si Cloud

"Cloud! Ano bang sinasabi mo!" Si Zade nginitian lang siya ni Cloud

"If you want me to die..then do it will you.?"

Mas lalong dumiin ang kutsilyo sa leeg ni Cloud kaya naging alerto ako

"Huwag kayong lalapit! Tutuluyan ko ito!" Sabi ng lalaking may hawak

"Just let him go and- Damn! " nagulantang ako ng biglang tumumba ang lalaking may hawak at tumigil ang mundo ko ng makita kung sino ang may gawa non.

Tatlo pang mga bata na kamukha ni Cloud

Nag apir silang tatlo at nagpayabangan

"You see that kuya Caiden? Kuya Calix? Im a great shooter!" Pagmamayabang ng isang batang medyo mahaba ang buhok at natatakpan ang mga mata.

SHE'S NOT A ROBOT (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon