"What! Paanong nabuhay si Astriel, e kitang kita daw nilang inilibing si Astriel" napapantastikuhang sabi ko
"Dahil nakita ko siya sa isang malaking bahay" kalmadong saad ni Sally, sakto namang dating ng order namin, nag thankyou lang kami pareho humigop muna ako ng americano pagkatapos ay umiling iling pawang hindi makapaniwala. Pagkaalis ng waiter ay tyaka ako nagsalita
"Paano mo naman nakita si Astriel at paano mo nasisigurong si Astriel yon?" tiningnan niya ako ng deretso sa mata
"Dahil may litrato niya ako, at hindi ako magkakamali duon, tiwala ako sa sarili ko Cryaier" kinabahan tuloy ako sa sinabi niya hindi ko magawang magsalita......humigop muna siya ng kape bago ulit magsalita "so, kailangan nating mag imbestiga, hindi naman ako siguradong buhay si Astriel pero kamukhang kamukha niya kasi ang babaeng yon,"
"Anong kulay ng mga mata niya?" Napatingin naman siya sakin
"What do you mean?"
"Ang sabi ni Mr.atMrs.Alvarez kulay asul daw ang mata ni Astri-"
"magkahalong kulay gray at blue ang mga mata ni Astriel" inilabas niya ang litrato, ang tunay na litrato ni Astriel
"Tingnan mong maigi ang mga mata niya," Mataman kong tiningnan ang litrato, mapulang labi, brown na buhok, at ang kakaibang kulay ng mga mata niya, siya ang totoong Astriel Alvarez"Paanong?, bakit ganito? at bakit tago ang impormasyon sa pagkatao ni Castriel?...naguguluhan ako bakit not applicable yung nakalagay sa kaniya?"
"Dahil twelve years old pa lang si Castriel ay may sakit na siya, all i know is, matalino siya,at ayaw niyang may nagsisisnungaling sa kaniya, and take note, he can read your reaction in just looking at your eyes" napasapo ako sa noo ko sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok ko
"Bakit ako pumayag na pumasok sa buhay nila ng hindi man lang nag-iimbestiga?"
"Dahil naawa ka kay Mrs.Alvarez, nakalimutan mo na atang aktres siya" napatingin ako sa kaniya, bumuntong hininga lang siya
"Anong gagawin ko?, baka madamay sila Mom at Dad pati na si Kade."
"Kailangan mong makabalik sa bahay ni Castriel bago siya umuwi galing ibang bansa." Napabuntong hininga ako....mqy parte sa akin na gustong manatili sa tabi ni Castriel at mayroon namang nangangamba para sa mga taong malalapit sa akin, literal na mapanganib ang trabaho ko.
"Bago siya makabalik dito sa Pilipinas ay bibili ako ng bahay na malapit sa bahay niya para nababantayan kita, baka mapahamak ka dun...tatanga tanga kapa naman minsan"
"Na-touch naman ako Sally" sarkastikong sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Im dead serious asshole" inirapan ko lang siya
"So anong plano?" Tanong ko sa kaniya
Naglatag kami ng plano, siyempre hindi rin kami nagtagal dahil baka lumamig ang mga kape na pasalubong ko, pareho kaming nasa bakasyon ni Sally pero hindi pupwede ito.
Habang nagdadrive ako patungong bahay ay nagflashback sa isip ko yung sinabi ni Sally kanina
'at ayaw niyang may nagsisisnungaling sa kaniya, and take note, he can read your reaction in just looking at your eyes"
at ayaw niyang may nagsisisnungaling sa kaniya, and take note, he can read your reaction in just looking at your eyes"
at ayaw niyang may nagsisisnungaling sa kaniya, and take note, he can read your reaction in just looking at your eyes"
"Dahil naawa ka kay Mrs.Alvarez, nakalimutan mo na atang aktres siya"
"Dahil naawa ka kay Mrs.Alvarez, nakalimutan mo na atang aktres siya"
![](https://img.wattpad.com/cover/226063653-288-k130175.jpg)