"sino ang nag drawing nito?" tanong ko sa kaniya, para kasing bihasang bihasa ang gumuhit, napaka pulido at masyadong kuha, sobrang perpekto.
"ako po," maikling saad niya at yumuko, marahil ay nahihiya pa rin sa presensya ko.
"ang galing mo, alam kong hindi ito oras para purihin ang guhit mo, pero napahanga mo ako Heaven, anak" unti unti ang naging pag angat niya ng tingin at nahihiwagaan ang emosyon niya.
"iginuhit ko po yan, dahil kung hindi ko siya iguguhit, hindi ko rin ko ma o overcome ang trauma na ibinigay niya sa akin" bahagya siyang ngumiti pra ipaaalam na maayos lamang siya.
"malaking tulong ang ibinigay mo, mabibigyan ko na kayo ng hustisya" masayang saad ko "isa akong abogada, gagawin ko ang lahat para manalo tayo sa kaso, at pag aaralin ko kayo ni Seon" ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya bumaba ang tingin ko duon.
"maraming salamat po ma'am Cryaier" napakunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin, dapat tawagin niya akong mommy o hindi naman kaya ay mama.
"from now on, wag mo na akong tatawaging Ma'am Cryaier, dahil simula sa oras na ito, mommy na ang itatawag mo sa akin" akma pa sana siyang magsasalita pero inunahan ko siya "no, you will call me mommy si Seon mommy na ang tawag sa akin tapos ikaw hindi" pabiro ko pa siyang hinampas kaya natawa ito.
"opo m-mommy" mahigpit ko siyang niyakap matapos sabihin ang katagang iyon, dalawang bagong anak, napakasarap sa pakiramdam.
__
"are you sure you want her to be our sister mommy?" usisa ni Cloud habang inaayos ko ang mga papeles sa darating na hearing ni Heaven.
"oo naman anak, bakit naman hindi?" pabagsak siyang naupo sa sofa ng office ko,at humalukipkip kaya napatingin ako sa kaniya.
"bakit?" tanong ko dito pero ngumuso lamang ito. "Cloud, alam mo bang hindi ko malalaman yang problema mo kung ngunguso nguso ka lamang kung tinatanong kita" kita ko ang takot sa mata niya, siguro ay marahil sa pagka istrikta ng boses ko.
"mom, kasi po I don't want her to be my sister, Seon Nyx will do pero si Heaven po, hindi ko po kaya na maging kapatid lamang siya" saad nito na ikinalaki ng mata ko.
"you're not on the right age to think of it, si mommy na ang bahala kapag tumuntong kayo ng tamang edad, ang sabi mo mag susundalo ka pa hindi ba?" tumango ito at kita ko ang pag ginhawa ng muka niya kaysa kanina.
"salamat mom" saad nito bago magpaalam sa akin.
Pagkaalis ni Cloud ay tinawagan ko si Sally pero si Zade ang sumagot, alam kong nananahimik na silang dalawa ngayon pero i badly need their help.
"e yon na nga Zade, pwede bang mangalap ka pa ng info about Herson Tang?" pagkausap ko dito
"what kind of info? malalim o mababaw lang?" tanong nito na ikinatuwa ng loob ko.
"pwedeng pareho, magagawa mo ba, tutulungan naman kita" sunod sunod na saad ko
"hindi na, isesend ko na lang via email ang mga info and docs about Herson"
"are you sure you don't need me?" tanong ko dito na tinawanan lang niya.
"baka Zade Zacharius Kim to!, kaya ko to ng mag isa, sasabihin ko na lang din kay Sally once ma makauwi siya dito sa Sydney, sige na bye Mrs. Alvarez" anito at pinatay ang tawag.
lokong yon Mrs. Alvarez daw e hindi naman ako si Mrs. Eiriel Alvarez, baliw.
__
Busy ako sa paghahanap ng iba pang info ng mag pop up ang notification via gmail.
napaka bilis naman ni Zade kung siya ito.
pero laking gulat ko ng makita kung sino ang nag email sa akin.
agntdrk_9@gmail.com
here's some information na na gather ko, binigay din to sakin ni Xie, you can use it para maipanalo mo ang kaso ni Heaven, i love you my baby, ikamusta mo ako sa mga anak natin
-Castriel
Napakadaming dokumento ang ipinasa nya sa akin. Pero ang huli ang nakapukaw ng atensyon ko.
'ALVAREZ's CLAN DOCS 1887-20××'
'ALVAREZ'S AND ATIENZA'S CULTURE PROPHECY 1889_docs'"bakit mo ibinigay ito sa akin Castriel?" napabalikwas ako sa pagkakatulala ng muling tumunog ang notification bell ng aking laptop.
agntdrk_9@gmail.com
be my attorney, Atty. Cryaier Jazmyn Elizabeth Nam Alvarez <3
Hindi ko na siya nireplyan at tinawagan ko na lamang ang dating number niya pero out of reach na ito kaya binasa ko na lamang ang mga dokumento na sinend niya sa akin.
Wala namang kahina hinala sa ALVAREZ'S culture pero ng buksan ko ang alvarez and Atienza's culture prophecy ay nagsibagsakan ang luha ko.
Na ang totoo ay magka alyansa ang lolo ko at ang lolo ni Castriel, na ang dapat na asawa ni Mr. Castor Alvarez ay ang mommy ko, at hindi si mommy Eiriel na ina ni Castriel, at hindi iyon natupad dahil nabuntis ni daddy Castor si mommy Eiriel,
Ang dapat na asawa ni Astriel ay si kuya Eize ko at hindi si Gerden,
at kami ni Castriel, ang nag iisang tumupad sa propesiya kaya kami lamang ang may karapatan na maisa korte ang lahat at tapusin ang kulturang sinimulan ng mga lolo namin bago sila mamayapa. At mangyayari lamang iyon kung maikakasal kami sa lalong madaling panahon, ngunit paano?, nandyaan si Xie, hindi maaaring maikasal kami dahil magwawala ang bruhildang babae na yon.at kailangan naming maipakulong habang buhay si Herson, dahil sa kawalanghiyaaang ginawa niya kay Heaven, nang sa gayon ay matapos na ang lahat at maging mapayapa na ang buhay ko at ng pamilya ko at mahal ko sa buhay.
to be Continued
the end is near....
💕