"Zane... Let's go, nag-aalala na sa'yo si Tita Louie!" I told my cousin.
Nakasubsob ang noo niya sa counter ng bar habang bahagyang nakahawak sa isang maliit na babasaging baso na may lamang alak.
Napangiwi ako nang malanghap ang usok sa bar.
"Rie naman, saglit lang... 'Di ka ba naaawa sa akin?" mahinang bulong niya.
Bahagya siyang tumingala upang inumin ang alak na hawak niya at sumubsob muli sa counter. Mariin siyang nakapikit pero may mga bakas ng luha sa magkabilaang pisngi niya.
I'm really not into bars, actually first time ko dito. Hindi ko gusto ang usok, ingay, gulo ng mga tao at higit sa lahat ang mga PDA sa paligid. Pero kanina pagka-uwi ko, Tita Louie asked me to fetch her 'broken hearted' daughter. Syempre wala naman akong nagawa. Si Zane rin naman ang pinaka close kong pinsan kaya di ko rin maiwasang mag-alala sakanya.
"One more please!" sigaw ni Zane at itinaas sa ere ang kamay niyang may hawak na baso.
Agad lumapit ang bartender sakanya pero agad ko iyong sinamaan ng tingin. Subukan mo kung gusto mong ikaw ang mag-uwi dito sa baliw na babaeng 'to. Nag-alangan pa ito sa kung anong gagawin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at inilingan. Umatras naman ito at hindi na pinansin ang pinsan ko.
"Zane, we need to go, ilang oras ka nang nandito! Baka mamaya ma-alcohol overdose ka na n'yan!" utas ko rito.
Napatawa ito ng bahagya at hinarap ako habang umiiling. Hindi makadilat at halatang wala na sa sariling katinuan. Umikot ang mga mata ko.
"Are you serious?" tawa nito sa sinabi ko.
"Ba't ka ba nagkakaganyan? Anong nangyari?" I asked her.
Ngumiti siya na halatang pilit at pinilit idilat ang mga mata niyang namumula na.
Huminga siya ng malalim. "I gave him the love that he deserves Rie!" sigaw niya. "Akala ko iba ako sa mga naging babae niya, akala ko sa lahat ng babaeng dumaan sakanya, I'm the most special! Pero damn... hindi Rie, tinapon niya lang rin ako kagaya nila!" she shouted with pain, bahagya pang pumiyok sa dulo.
I was slightly surprised by what she revealed. So lalaki pala ang dahilan nito. Kaya siya nagpapakalasing ng ganito ay dahil sa isang lalaking gago.
I sighed and went closer to her. Sinuklay ko ang buhok niya. Umiyak siya ng malakas na alam kong kanina niya pa ginagawa bago pa ako dumating.
"Kung sino man siya Zane, you don't deserve him."
"Look!"
Napaatras ako ng mahina niya akong itinulak. Nilabas niya ang cellphone niya at may mga pinindot doon. Iniharap niya sa akin nang nasa Facebook na at bumungad sa akin ang isang babaeng naka two piece habang dinadama ang hangin sa tabi ng dagat. Umawang ang labi ko nang makita ang ganda ng babaeng iyon. Makinis at maganda, mukhang mayaman.
"Ayan... Yesterday I saw him with this girl!" inis na utas nito. "Grabe! Gano'n kadali niya akong pinalitan!"
Napangiwi ako. Kung sino man talaga yon, he's definitely a womanizer and a big jerk.
"Bullshit, Rie! Mas maganda naman ako 'diba?"
Mula sa cellphone ay nalipat ang tingin ko sakanya.
My cousin has a black shiny hair na bagsak hanggang bewang while I have a dark brown hair na hanggang itaas ng dibdib. Matangos ang maliit niyang ilong kagaya ko at may manipis na labi. Singkit siya dahil mana sa papa niyang half korean, 'di gaya ko na tama lang ang laki at may makapal na pilikmata.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?