Chapter 17
Like
"Ugh..."
With my brows furrowed, I bit my lower lip while staring at our graduation picture together. Nakadapa ako sa aking kama at nakataas sa ere ang dalawang paang nakakrus.
I tilted my head while looking at my face in the picture. I look awkward.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at muling napaungol dahil sa frustration. Pabagsak kong binalik ang aming picture ni Bruce sa lalagyanan nitong box.
I'm just confused. Naninibago ako kung bakit nagiging ganito ako sa kanya. This feeling is new, a feeling that doesn’t stop flowing in my system every time I’m with him.
I'm stressed! Ano ba 'to? Dahil gusto ko nang matigil! Ang awkward ko na kasi palagi sa tuwing kasama si Bruce. I tried to stare at someone's eye. Pero kahit ilang minuto pa ay hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko kay Bruce. I tried to hold a stranger's hand. Sa babae at sa lalaki! Pero walang electricity!
I groaned again. Kinuha ko ang box at padabog na sinarado iyon. I put it back to my side cabinet when my phone suddenly vibrated.
Tumihaya ako sa kama at tinignan kung sino ang nag chat.
Bruce:
Where are you? Are you free? 7 eleven tayo.
Mabilis kong naioff ang cellphone ko at binagsak sa aking tabi.
"What the hell, Bruce?" ginulo ko ang buhok ko at napatitig nalang sa kisame.
Hinampas hampas ko ang aking unan sa mukha ko. I don't know what to do! Replyan ko ba siya? Samahan? Baka naman kasama rin sila Maris, hindi lang ako? Am I overthinking too much?
But what if ako lang ang niyaya niya? That would be awkward! Hindi na ako gano'n kakomportableng kasama siya.
But what the heck is wrong with me... This is not me.
Muling nag vibrate ang cellphone ko kaya napalingon ako roon. I inhaled before getting it and see who chatted.
Maybe iiwas nalang ako. Tama, don't force yourself to be with him, Rie. But I want to be with him too, it's just that...
I gasped and shook my head. Cringe! Ano bang iniisip mo, Rie? Ugh!
Natigilan ako nang makita kung sino ang nag chat. Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ata ako ng bahagya.
Maris:
Mall tayo! Libre kita ice cream, may bibilhin ako sa book store.
I typed a reply immediately. Okay, I'll take this as a sign.
Me to Maris:
Sige, bihis lang ako.
Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok. Pinuntahan ko ang chat kanina ni Bruce para mag reply nang bigla siyang tumawag.
Napasapo ako sa noo ko. It's a video chat!
I pinched my hand before accepting his call.
"Oh?" bungad ko.
I tried my best para hindi mahalata sa ekspresyon ko ang kaba.
"When did you become a seener?" masungit na sabi niya.
Nakasandal siya sa kanyang headboard at bahagyang magulo ang buhok na para bang nagpagulong-gulong sa kama.
"Huh? Nag chat ka ba?"
Sumimangot siya. "Yes. You have seen it. Hindi mo nabasa?"
Umiling ako. "Hindi, e."
He nodded and sighed. "Hmm.... So you're busy? What are you doing?"
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?