Chapter 09
Truth
Bumalik ako sa aking upuan at nanahimik nalang. My seatmate tried to talk to me pero wala akong masabi. Bigla akong nawalan ng gana magsalita. What did he said was a slap for me. Nakakatusok ng puso dahil totoo iyon.
Weeks ago, iyon naman talaga ang pinlano ko. Kaibiganin siya, sirain siya para hindi na siya magustuhan ni Suzi pero ngayon mas naipamukha sa akin na I just used him!
I remembered what he said. Kung ano ang ginawa sa amin ni Suzi, iyon rin ang ginawa ko sa kanya.
Napasapo nalang ako ng noo ko at huminga ng malalim. Now, I really feel so guilty. Ni hindi na ako makatingin sa kanya!
He kept ignoring me for 2 days straight. Ang pag-aaral namin tuwing hapon ay nagpatuloy naman pero sobrang tahimik niya na.
"Try to answer this one..." malamig na aniya at ibinigay sa akin ang papel na sinulatan niya.
Tumikhim ako at tinignan iyon. Problem iyon at sinubukan kong sagutan. Tahimik lamang kami simula kanina, tanging ihip lang ng hangin ang naririnig at mga ingay ng dumaraan sa daan.
Nasa cellphone siya nakatingin habang nagsasagot ako. Usually, kapag nagsasagot ako ay nakatitig lang siya sa akin at sa papel ko. Palagi ko siyang tinititigan ng masama kapag ganoon at tinatakpan ang papel ko tapos ay tatawa naman siya.
I bit my lower lip and just focused on what I was answering. Tinapos ko iyon at ibinigay sa kanya.
"Tapos na..."
Inilapag niya ang cellphone niya sa gilid ng lamesa at kinuha iyon. Tinignan niya ang sagot ko.
Tumango siya kalaunan at iniligpit ang mga gamit niya sa lamesa.
"Good. You answered it right. Bukas nalang ulit." aniya at tumayo na.
"Uh..."
Palagi kong sinusubukang buksan ang topic na nangyari sa birthday ni Harvey pero palagi akong natatakot. Gusto kong mag sorry, umamin at linawin ang lahat sa kanya. Pero anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang oo nga, tama siya at kinaibigan ko lang siya noon dahil gusto kong gawin siyang katurn off turn-off sa mata ni Suzi. I even used him! Nagpatutor pa ako sa math.
Isinukbit niya ang bag niya at naglakad na. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Magiging ganito kami palagi kung wala akong gagawin.
"Bruce..." tawag ko.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bruce," ulit ko at bahagya nang nilakasan.
Sigurado akong narinig niya na ako pero hindi niya ako pinapansin.
Tumakbo na ako palapit sa kanya at hinatak ang bag niya. Napaharap siya sa akin.
"What?" he glared at me.
I stood up straight and let out an exhale.
"A-ano... Galit ka pa rin ba?" nagdadalawang isip kong tanong.
"What do you think?" tanong niya at tinaasan ako ng isang kilay.
I looked at him straight in the eyes and nodded. "Oo... G-gusto kong pag-usapan natin yung nangyari..."
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ako sanay sa ganito! Kapag nagtatampuhan kami ni Maris o ng iba kong kaibigan, madali lang akong nakakahingi ng tawad. At hindi ganito ka-awkward kapag mag-uusap kami!
Umayos ng tayo si Bruce at humarap sa akin lalo.
"What about it?" he tilted his head while staring at me.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?