Chapter 04
Have Fun
Malakas kong isinara ang librong binabasa ko. Napatingin ako sa wall clock ng library. Malapit nang mag 2 kaya ibig sabihin, mag iisang oras na ako dito?
Napatingin ako sa pintuan ng library. Hinihintay kung bubukas ba iyon at papasok si Bruce. Pero kanina ko pa iyon binabalik-balikan ng tingin pero walang Bruce na dumating.
Ang usapan namin kanina ay pagkatapos ng mga klase, didiretso kami sa library ng school at dito niya ako tuturuan. Matapos ang klase ay dumaan ako saglit sa room nila Suzi kasama si Maris kaya naman hindi ko na nakita pa si Bruce. Akala ko ay dumiretso na siya rito pero pagdating ko ay wala naman siya sa bawat sulok ng library.
Nag dahilan pa naman ako kanila Maris at Suzi na may dadaanan ako sa library kaya hindi ako makakasabay sa kanila ng paglabas ng school pero hindi naman nagpakita iyong Bruce na iyon!
Nasaan kaya siya? Akala niya ba binibiro ko lang siya kanina kaya hindi siya pumunta dito?
I looked down at the book I was holding. Tumayo ako para isauli iyon sa pinanggalingan.
The whole library was filled with silence. May mga ilang nagbabasa rin ng libro, mas matatanda sa akin at may ilang mas bata pero may kasamang guro na nagtuturo sa kanila.
Tumingkayad ako para maabot ang pwesto ng librong kinuha ko. Manipis na story book iyon. Ang totoo, pangatlo ko na iyon, hindi ako mahilig magbasa ng ganoon pero nagawa ko dahil sa kakahintay kay Bruce.
Inilagay ko ng maayos ang libro at naglakad na palabas ng library. Hindi pa ako nanananghalian. Kasalanan niya talaga 'to! I slightly groaned and kicked a small rock on the road.
I planned this! Tapos ako ang nakasimangot ngayon.
"Hep! Paa!" masungit kong duro sa paa ni Bruce na nasa sahig, kinabukasan.
May hawak akong walis dahil cleaners ako ngayon. Itinaas niya ang mga paa niya. Ramdam ko ang mga mata niya sa akin pero nasa sahig ang tingin ko. Nababanas ako!
"I'm sorry about yesterday... Uh, I... Forgot about our plan." ani Bruce.
Kinunot ko ang noo ko at inangat na ang tingin sa kanya. Nakalimutan!
"Okay." sabi ko at inirapan siya.
Winalis ko ang alikabok paalis sa harapan niya kaya napalayo na ako sa kanya.
"Mamaya nalang ulit, library ulit." pahabol niya pero hindi ko na nilingon.
Ba't niya naman nakalimutan? Ang bata bata, ulyanin! Bakit pakiramdam ko ang bilis ng karma sa akin? Nakakainis naman! Mas lalo akong naiinis kay Bruce.
Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos ang mga klase. Dahil cleaners ako ay pinauna ko na si Maris. Napanguso ako nang marealized na hindi ko makikita si Suzi ngayong uwian.
Napasulyap ako kay Bruce. Nakahalukipkip siya sa upuan na pinakamalapit sa pintuan ng classroom. Naghihintay sa akin. Pinigilan ko ang mata kong irapan siya. Makikipag kaibigan ka na, kalma.
"Una na ko, bye!" mabilis na inilapag ng kaklase kong babae ang pambura ng board at kumaripas ng takbo paalis.
Ako na lang tuloy ang natira kasama ang isa pang cleaner na kaklase kong lalaki. Matapos kong ayusin ang kahuli-hulihang upuan sa likod ay kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko.
"Una na ako..." paalam ko. Tumango ang kasama ko, siya ang mahuhuli dahil magtatapon ng basurahan.
Lumabas ako ng room at lumabas na rin si Bruce, sumusunod sa akin. Kanina ay sabi niya hihintayin niya na ako para sabay na kaming pupunta ng library.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Подростковая литератураHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?