Chapter 11

79 10 5
                                    

Chapter 11

Bleeding

"I wanna see the chick..." inalahad ni Bruce ang dalawa niyang palad para kuhanin ang kahon.

Niyakap ko naman ang kahon at bahagyang  inilayo sa kanya. Bumagsak ang braso niya at tumunganga sa akin.

"Sabihin mo munang pinapatawad mo na nga ako?" I said.

He sighed and nodded. "I forgive you. Now, let me see my chick," aniya at mabilis na kinuha sa akin ang kahon.

Ngumisi ako habang pinapanood siyang marahang hinahawakan ang sisiw sa loob ng kahon.

"Papansinin mo na ulit ako, huh?" paninigurado ko.

He nodded without lifting his eyes for me. Umupo nalang muli ako sa tabi ni Maris na kumakain.

Recess na at dito na namin napiling kumain sa lamesa sa ilalim ng puno dahil kung sa canteen ay baka may makakita pa sa sisiw na guro o ano at posibleng kuhanin sa amin.

Harvey's with us. Nakaupo siya sa harapan namin at kumakain ng burger. Sinundan nila kami ni Bruce kaninang pagkalabas namin ni Maris sa classroom.

Bruce sat beside Harvey and placed the box at the table.

"Buti naman ay okay na kayo ni Rie," ani Maris.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Harvey sa aming dalawa ni Bruce.

"Seriously? Ano bang pinag-awayan nila? Malala ba at kinailangan pang bumili ni Rie ng sisiw for Bruce to forgive her?" kunot-noong tanong ni Harvey habang ngumunguya.

"Wala ka na do'n." ani Bruce.

Nalaglag ang panga ni Harvey. "What? Dude, ang sama ha! Parang hindi magkaibigan,"

Bruce jokingly winced at him. Marami pang sinabi si Harvey na panununbat at pagdadrama. Maris laughed while watching them.

Yumuko nalang ako para kumain pero ilang sandali pa lang ay naramdaman ko na ang sipon ko kaya agad akong tumingala. Kinuha ko ang panyo ko at inilagay iyon sa ilong. I sneezed.

Bruce lifted his eyes for me.

"Do you have a sick? Kahit malayo ako sa'yo kanina ay rinig na rinig ko ang singhot at ubo mo."

I grinned at him.

"Ayie! Nag-aalala ang kaibigan ko..." asar ko ay diniinan pa ang salitang 'kaibigan'.

He rolled his eyes and remained staring at me.

"I'm serious, ba't ka sinisipon?" tanong pa niya .

I protruded my lips. Maris and Harvey were just listening to us while eating.

"Kahapon 'di ba, umulan." paalala ko.

Dumilim ang tingin niya sa akin. Bigla siyang humilig sa lamesa para malapitan ako. Inabot niya ang leeg ko. Napangiwi naman ako at bahagyang umiwas. Nang mapansin niyang medyo mainit ako ay tumalim pa lalo ang tingin niya sa akin.

"May sinat ka."

"Medyo mainit nga 'yang si Rie," Maris commented.

I laughed at them. "Nakapasok nga ako, e! Hindi naman malala, naulanan lang kahapon."

"Wala kang dalang payong kahapon?" tanong ni Bruce.

Umiling ako at nagsimula na muling kumain. Ang maliit na sisiw ay may kakaunting ingay rin sa loob ng kahon. Dinala ko ang pagkain niya kaya kumakain siya ngayon sa loob ng kahon. Mamaya ay ilalabas ko siya doon at papainumin naman.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon