Chapter 18
Pissed
Buong hapon ay naging lutang ako sa klase kakaisip sa nangyari. I avoided Bruce for the whole week. Palagi siyang may chat sa akin pero hindi ko iyon binubuksan. Hindi na rin muna ako nag bukas ng facebook and messenger account ko para hindi niya mahalatang umiiwas nga ako. He called my number once. Sinagot ko iyon at sinabi kong nagfofocus lang ako sa pag-aaral dahil medyo nahihirapan ako. Which is true. Ginugol ko nalang rin ang mga araw ko sa pag-aadvance reading at minsang pagda-drawing ng architectural designs.
As usual, he volunteered to help me study. Pero hindi na ako pumayag.
I sighed while walking towards my classroom. Pinakiramdaman ko ang sarili ko buong linggo. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit bigla nalang akong nagkagusto sa kanya. He's my long time friend. Pero ngayon lang ako naging ganito.
Mula sa sahig ng corridor ay umangat ang tingin ko. I immediately saw Bruce. Kasama niya ang dalawa niyang kaklaseng lalaki. They're all laughing.
Umatras ako at pumunta sa likod ng mga magkakaibigang naglalakad para hindi ako makita ni Bruce. I exhaled when I successfully entered our classroom without him noticing me.
For the next days, gano'n rin ang mga nangyari. Puro lang ako iwas sa kanya. Naisip ko nga kung hanggang kailan ako magiging ganito. May isang gala kaming apat nila Maris na hindi ko sinamahan kaya silang tatlo nalang tuloy ang natuloy. Nagtataka na rin sila kung bakit ang busy ko.
Actually, I'm getting bored and bored everyday.
Yumuko ako sa lamesa ko ng patagilid. I looked at the window beside me. Pumapasok ang hangin mula roon.
"Laurie!"
Napaangat ako ng ulo nang marinig na may tumawag sa akin.
"Laurie! Where's Laurie?" sabi ng aming teacher sa isang subject.
Nakadungaw siya sa pintuan ng aming classroom habang inililibot ang tingin sa loob.
Inangat ko ang aking kamay para makita niya ako. Mabilis niya rin akong nakita.
"Give this to Ms. Allacon, please." aniya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. My gaze drifted to the two books he was holding. Inabot niya sa akin iyon.
"Nasa faculty ata siya."
I nodded and took the books from his hand.
"Okay po." I said.
He said thank you before leaving the room. Lumabas na rin ako ng classroom para maibigay iyon ng mabilis. Kailangan kong magmadali dahil maya-maya ay next subject na namin.
Nang nasa hagdanan na ay dumungaw muna ako sa ibaba para tignan kung naroon ba si Bruce at pakalat kalat. Floor kasi nila ang bababaan ko.
I sighed when I made sure that he wasn't around. Bumaba na ako ng hagdanan.
"Rie..."
Nanigas ako at mabilis na napalingon. Nagulat ako nang makita si Bruce na nasa likuran ko at pababa rin ng hagdanan. His brows furrowed while looking at me.
"Where are you going?" he asked me.
Napanganga ako at ipinakita nalang ang librong hawak ko.
"Napag-utusan akong uhm... Ibigay kay Ms. Allacon."
His gaze drifted to the books I was holding. He nodded and lifted his eyes back to me again.
"Are you still busy?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?